^

PM Sports

Top seat sa Western inangkin ng Warriors

Pang-masa

MILWAUKEE – Na­ka­mit ng Golden State Warriors ang dalawang impresibong karangalan sa pamamagitan ng double-digit win sa labas ng kanilang balwarte.

Ngayon ay pipilitin ni­lang maging malusog ang lahat patungo sa postseason.

Umiskor si guard Ste­phen Curry ng 25 points at inangkin ng Warriors ang top seed sa Western Conference mula sa 108-95 paggiba sa Milwaukee Bucks.

Nagdagdag si Klay Thompson ng 21 para sa Golden State, nagposte ng bagong franchise record sa kanilang pang-60 panalo sa season.

Tangan ng Warriors ang 10-game lead laban sa second-place Memphis Grizzlies sa West sa huling siyam na laro sa regular season.

“Wins and losses might not matter when it comes to the stan­dings but we want to win as ma­ny games as possible and we want to feel good about how we’re going into the playoffs,” sa­bi ni Curry. “That’s the test for us over these next nine games.”

Tumipa naman si Khris Middleton ng 14 points sa panig ng Milwaukee, may 36-37 record ngayon.

Pinuwersa ng Bucks ang Warriors sa 22 turnovers, ngunit wala si­lang mga shooters na ka­gaya nina Curry at Thompson.

“You can see how they have a feel for one another. They both can shoot the ball extremely well. One is in foul trouble and the other one picks it up,’’ sabi ni Bucks coach Jason Kidd. “You always have to be concerned with those two on the floor.’’

Sa Charlotte, umiskor si Kemba Walker ng 21 points at tinalo ng Hornets ang Atlanta Hawks, 115-100.

Ipinahinga ng Hawks ang kanilang mga star­ters na sina DeMarre Car­roll, Kyle Korver, Al Hor­ford at Paul Millsap.

Naupo naman si guard Jeff Teague dahil sa sprained ankle isang gabi matapos sikwatin ng Atlanta ang top seed sa Eastern Conference.

Kumamada si Gerald Henderson ng 20 points mula sa 9-of-10 shoo­ting, habang nagsalpak si Mo Williams ng apat na 3-pointers at tumapos na may 18 points para sa Hornets.

Tinapos ng Charlotte ang kanilang three-game losing slump.

Nagdagdag naman si Marvin Williams ng 17 points para sa Charlotte (31-41) na lumapit sa pang-walong puwesto.

ACIRC

AL HOR

ANG

ATLANTA HAWKS

EASTERN CONFERENCE

GERALD HENDERSON

GOLDEN STATE

GOLDEN STATE WARRIORS

JASON KIDD

JEFF TEAGUE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with