^

PM Sports

Azkals sasagupa sa Bahrain

Olmin Leyba - Pang-masa

Laro Ngayon (Bahrain National Stadium)

6:30 p.m. (11:30 p.m. Manila time) – Bahrain vs Philippines

MANILA, Philippines – Susubukan ng Philippine Azkals ang kanilang bagong sistema sa interna­tional friend­ly match laban sa Bah­rain ngayong alas-6:30 ng gabi (11:30 ng gabi sa Manila) sa Bah­rain National Stadium sa Manama.

Gusto ni coach Tho­mas Dooley na maglaro ang Azkals na may tatlong defenders sa kanyang 3-4-3 attacking forma­tion na nagiging 5-4-1 sa de­pensa.

Ito ay taliwas sa dating 4-4-2 o 4-3-3 systems ng Azkals.

Sa kanyang bagong sis­tema, sinabi ni Dooley na mas makokontrol ng mga Pinoy booters ang po­sesyon na makakatulong sa kanila sa pagsabak sa da­rating na FIFA World Cup qualifiers sa Hunyo.

Nagmula naman ang mga Bahrainis sa 0-6 ka­bi­guan sa Colombia no­ong nakaraang Huwebes.

Nauna nang nagtabla ang Azkals at ang Bahrai­nis sa 0-0 noong 2012.

“A win will be a good re­sult, but we’re more in­terested at looking at how we play the system and the patterns that will evolve from it,” ani team ma­nager Dan Palami.

Hindi makakalaro pa­ra sa Azkals si Fil-British Neil Etheridge matapos ang isang aksidente.

Si Fil-German Roland Muller ang papalit sa kanya sa pagdedepensa sa goal katuwang sina Fil-Spanish defender Alvaro Silva, Juani Guirado at Amani Aguinaldo.

Nasa backline naman ng koponan sina Phil Younghusband at Patrick Reichelt.

ACIRC

ALVARO SILVA

AMANI AGUINALDO

ANG

AZKALS

BAHRAIN NATIONAL STADIUM

DAN PALAMI

FIL-BRITISH NEIL ETHERIDGE

JUANI GUIRADO

LARO NGAYON

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with