Durant sasailalim sa surgery
OKLAHOMA CITY – Sasailalim si NBA MVP Kevin Durant sa bone graft surgery sa susunod na linggo para ayusin ang nabaling buto sa kanyang kanang paa.
Nauna nang inihayag ng Oklahoma City Thunder na hindi na makakapaglaro si Durant ngayong season.
Sinabi ni general manager Sam Presti na inaasahan nilang makakabalik si Durant sa basketball activities sa loob ng apat hanggang anim na buwan.
Nasa posisyon ang Thunder na makapasok sa playoffs kahit wala si Durant.
Ngunit aminado silang malaki ang mawawala sa kanilang opensa sa hindi paglalaro ni Durant.
Sa 27 games ay nagtala si Durant ng mga averages na 25.4 points, 6.6 rebounds at 4.1 assists.
Sumailalim si Durant sa initial surgery noong Oktubre at gumanda ang pakiramdam.
Ngunit noong Pebrero ay nagkaroon siya ng procedure para palitan ang turnilyo sa kanyang kanang paa.
- Latest