Mexican trainer kumampi kay Pacman
MANILA, Philippines - Kung ang bilis at lakas ang pag-uusapan ay mas pinapaboran ni Mexican trainer Robert Garcia na manalo si Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao laban kay Floyd Mayweather, Jr. sa kanilang mega showdown sa Mayo 2.
“Pacquiao is very fast. He throws a lot of punches,” wika ni Garcia sa panayam ng Thaboxingvoice.com kaugnay sa bentahe ng 36-anyos na si Pacquiao laban sa 38-anyos na si Mayweather.
Tatlong boksingero ni Garcia, ang dating trainer din ni Filipino world four-division titlist Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr., ang nauna nang tinalo nina Pacquiao at Mayweather sa kanilang mga laban.
Binugbog ni Pacquiao sina Mexican Antonio Margarito at Brandon Rios, samantalang dalawang beses naman tinalo ni Myweather si Argentinian challenger Marcus Maidana.
Sinabi ni Garcia na tama lamang na hirangin si Mayweather bilang ‘best pound-for-pound’ champion.
“He is where he is supposed to be,” wika ni Garcia sa American world five-division king. “He’s talented, he’s smart, he knows how to handle his business, and he wins. He’s the real deal.”
Gagawin sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada ang kanilang super fight ni Pacquiao, kaya naman malaki ang bentahe ng tubong Grand Rapids na si Mayweather.
- Latest