Adamson batters 5-peat sa UAAP women’s softball
MANILA, Philippines - Itinaas pa ng Adamson Lady Falcons ang kalidad ng paglalaro tungo sa mas mabangis na 10-0 panalo sa UP Lady Maroons para bitbitin na rin ang 77th UAAP softball title kahapon sa Rizal Memorial Diamond.
Si Queeny Sabobo ay may tatlong runs, kasama ang two-run homerun sa taas ng seventh inning para pangunahan ang 13 hits na ginawa sa seven-inning game.
Sa first inning pa lang ay naramdaman agad ang determinasyon ng Adamson na makuha ang panalo dahil tatlong runs agad ang kanilang itinala.
Ang lead-off batter na si Sabobo ay tumuntong sa base bago nagtala ng tig-isang hits at RBIs sina Annalie Benjamen, Angelie Ursabia at Gelyn Lamata ay may tig-iisang hits.
Naka-double si Sabobo bago pumasok sa palo ni Lorna Adorable sa second inning habang si Clariz Palma ay mayroon two-run single sa third inning para sa 6-0 iskor.
Hindi pa nakontento ang Lady Falcons dahil sa seventh inning ay nagpasabog pa sila ng apat na runs na kinatampukan ng homerun ni Sabobo.
Ito ang kauna-unahang 5-peat ng Adamson at napalawig ang winning streak mula noong 2011 sa 62-0.
Ang mga panalo rin ng koponan sa double-round elimination ay pawang sa abbreviated games na kauna-unahan din sa liga.
“Masaya ako dahil talagang pinaghirapan ito ng mga bata. Bago nag-start ang season ay limang bete-rana ko ang nawala kaya ang sinabi ko sa kanila ay dapag magtulu-ngan sila dahil wala na silang masasandalan,” wika ni Adamson coach Ana Santiago.
Nasa ika-11th season na si Santiago sa Adamson at ito na ang kanyang ika-siyam na kampeonato.
Malakas pa rin ang Adamson sa susunod na taon dahil isa lamang ang mawawala pero ayaw munang isipin ni Santiago ang hinaharap dahil mas nararapat na iselebra muna ang bagong tagumpay ng Lady Falcons.
- Latest