^

PM Sports

Best Center Clinic bubuksan na

Pang-masa

MANILA, Philippines – Bubuksan ng award-winning BEST Center, itinataguyod ng Milo, ang kanilang full summer schedule sa pamamagitan ng pagdaraos ng basketball at volleyball clinics simula sa Abril 6.

Ang summer basketball clinics ay gagawin sa Ateneo kung saan may mga klase tuwing Lunes at Huwebes para sa preparatory levels 1 hanggang 6.

Ang University of Perpetual Help ang magbubukas ng basketball classes para sa Levels 1-3 sa Abril 6-30.

Sa Starmall sa Alabang idaraos ang Levels 1-4  sa Abril 7 hanggang Mayo 1 tuwing Miyerkules at Huwebes, habang ang Amoranto Sports Complex ang mamamahala sa Levels 1-4 sa nasabi ring petsa.

Ang Abril 8 hanggang Mayo 2 ay nakareserba para sa mga estudyanteng naka-enrol sa pang Miyerkules at Sabado na klase sa Malate Catholic School para sa Levels 1-4.

Sa Xavier School idaraos ang Levels 1-3 tuwing Miyerkules at Sabado at ang Sunday classes ay gagawin sa Lancaster New City para sa Levels 1 and 2.

Inihayag din ni BEST Center founder at president Nic Jorge, isang dating national player at coach, ang pagsisimula ng volleyball clinics sa Abril 6 hanggang 30 tuwing Lunes at Huwebes sa Starmall Alabang.

Tuwing Martes at Huwebes sa Abril 7 hanggang Mayo 2 idaraos ang volleyball clinics sa Ateneo at sa Malate Ca-tholic School.

Sa Abril 8 hanggang Mayo 2 tuwing Miyerkules at Sabado nakatakda ang clinics sa University of Perpetual Help-Las Piñas.

Para sa mga detalye ay maaaring tumawag sa 411-6260 at sa 372-3065/66 o bumisita sa E-mail [email protected] at maging sa Facebook: best center sports inc.

Ang Best Center ay isang Philippine Sportswriters Association (PSA) Hall of Fame awardee at tumanggap ng Philippine Olympic Committee (POC) Olympism Award.

ABRIL

AMORANTO SPORTS COMPLEX

ANG ABRIL

ANG BEST CENTER

ANG UNIVERSITY OF PERPETUAL HELP

ATENEO

HALL OF FAME

HUWEBES

MIYERKULES

SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with