UP batters pasok sa Finals
MANILA, Philippines – Kumamada ang University of the Philippines ng anim na run sa fifth inning para kunin ang abbreviated 9-1 win laban sa University of Santo Tomas at itakda ang kanilang championship duel ng Adamson University sa UAAP Season 77 women’s softball tournament kahapon sa Rizal Memorial Baseball Stadium.
Humataw si Isabelle Mendoza ng three-run homer sa fifth inning na nagbigay sa Lady Maroons ng kalama-ngan para talunin ang Tigresses sa agawan sa finals berth.
Lalabanan ng Adamson ang UP sa kanilang finals match bukas ng alas-9 ng umaga kung saan tangan ng Lady Falcons ang ‘thrice-to-beat’ incentive matapos ang 12-game sweep sa eliminations.
“UP is already a winner. We want to clinch a finals slot with Adamson and we met our objective,” sabi ni long-time coach Kiko Diaz.
Ito ang pinakamagandang kampanya ng Lady Maroons matapos noong 2010-11 season kung saan sila pumangalawa sa Lady Falcons, na nakamit ang una sa kanilang apat na sunod na UAAP championships.
Huling nagkampeon ang UP noong 2008.
Sa likod ni Alex Zuluaga, binasag ng Lady Maroons ang 1-1 standoff sa fourth inning matapos umiskor si Chantel Bongat ng RBI para umiskor sina DC at Dennise Cruz. Ang nag-iisa namang run ng Tigresses ay mula kay Christine Palma sa second inning.
Nabigo ang UST na dulplikahin ang kanilang 7-2 panalo sa UP. Nauna nang tinalo ng Tigresses ang National University Lady Bulldogs, 4-3 sa first step-ladder match.
- Latest