^

PM Sports

Durant ‘di na makakabalik

Pang-masa

OKLAHOMA CITY – Hindi na magbabalik si reigning NBA MVP Kevin Durant ngayong season.

Sinabi ni general manager Sam Presti na may nararamdaman pang sakit si Durant sa kanyang kanang paa.

“Essentially, that’s the direction that we’re taking right now, in terms of removing him from all basketball-related activities,” sabi ni Presti kay Durant.

Pipilitin ng Oklahoma City Thunder na makapasok sa playoffs sa kabila ng pagkawala ng kanilang four-time scoring champion.

Angat ang Thunder sa New Orleans Pelicans ng isang laro para sa No. 8 spot sa Western Conference playoffs.

Nagtala si Durant ng mga averages na 25.4 points, 6.6 rebounds at 4.1 assists, ngunit nakita lamang sa 27 sa 68 laro ng Oklahoma City ngayong season.

Huli siyang naglaro noong Feb. 19 laban sa Memphis Grizzlies.

Matapos ang tatlong araw ay sumailalim siya sa surgery para palitan ang isang turnilyo na nagpapasakit sa kanyang kanang paa.

Nabalian ng paa si Durant sa preseason.

Sinabi ni Presti na mas mahalaga ang long-term health ni Durant.

Nakatakdang maki­pag­kita si Durant sa ilang espesyalista.

vuukle comment

DURANT

KEVIN DURANT

MEMPHIS GRIZZLIES

NEW ORLEANS PELICANS

OKLAHOMA CITY

OKLAHOMA CITY THUNDER

PRESTI

SAM PRESTI

SINABI

WESTERN CONFERENCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with