^

PM Sports

Purefoods magpapalakas

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bago pa man sina reinforcement Marqus Blakely, Daniel Orton at Denzel Bowles ay pinuntirya ni head coach Tim Cone si Meralco import Josh Davis sa NBA D-League.

“Josh Davis was my guy but we didn’t want to pay the buyout fee,” wika ni Cone sa 6-foot-8 na si Davis. “He’s my favorite import in the D-League. I really liked Josh.”

Ang paghanga kay Davis ay isasantabi ni Cone sa pagsagupa ng nagdedepensang Purefoods Hotshots sa Bolts ngayong alas-7 ng gabi sa 2015 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Hangad ng Purefoods ang kanilang pang-apat na sunod na panalo para sa tsansa sa una sa dalawang ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinal round.

“We have one more game against Meralco, and we’re trying to get to that Top Two,” sabi ni Cone. “We’re not  sure if we’ll end up in a three-way tie with Talk ‘N Text and Rain or Shine we would lose through quotient.”

Ang dalawang koponang sisikwat sa No. 1 at No. 2 tickets ang magkakaroon ng ‘twice-to-beat’ advantage laban sa No. 8 at No. 7 teams, ayon sa pagkakasunod sa quarterfinal round.

Umiskor ang Hotshots ng 103-96 panalo laban sa Barako Bull Energy noong Martes kung saan kumolekta ang 6’9 na si Bowles ng 34 points at 17 rebounds.

Nadiskaril naman ang Meralco na mailista ang kanilang ikalawang sunod na panalo matapos yumukod sa Alaska via double overtime, 103-108 noong Martes.

Sa unang laro sa alas-4:15 ng hapon ay patitibayin naman ng Rain or Shine ang kanilang pag-asa sa Top Two sa pagsagupa sa Blackwater.

Nagposte ang Elasto Painters ng come-from-behind na 82-79 win kontra sa Ginebra Gin Kings noong Linggo na nagresulta sa pagpataw ng PBA Commissioner’s Office ng multang P70,000 kay Beau Belga at P40,000 kay Raymond Almazan.

Nakalasap naman ang Elite ng 68-82 kabiguan sa Aces noong Marso 11.                

 

vuukle comment

BARAKO BULL ENERGY

BEAU BELGA

D-LEAGUE

DANIEL ORTON

DENZEL BOWLES

JOSH DAVIS

MERALCO

TOP TWO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with