^

PM Sports

Mas mahirap na next year--Alyssa

Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi pa man nakakapagdiwang nang husto dala ng nakuhang tagum-pay ay nakikita na ni Alyssa Valdez kung ano ang training na ipagagawa sa kanila ni Thai coach Tai Bundit para sa 78th UAAP women’s volleyball.

“For sure, coach Tai will be harsher, harder on us,” wika ni Valdez na team captain ng Ateneo Lady Eagles.

Matapos kilalanin bilang kauna-unahang koponan na naisantabi ang thrice-to-beat advantage ng katunggali tungo sa pagsubi ng titulo, itinaas pa ng Lady Eagles ang magandang marka ng koponan nang kilalanin bilang natatanging koponan na winalis ang 16-laro sa 77th season.

“Sabi nga ni coach Tai before the start of this season, it’s harder to defend the title. What more to defend two titles (next year),” banggit pa ni Valdez.

Hindi naman nagre-reklamo si Valdez dahil ang lahat ng paghihirap sa pagsasanay ay nagkaroon ng matamis na bunga.

Dalawang beses kung magsanay ang koponan at talagang pinalalabas ni Bundit ang abilidad ng lahat ng manlalaro at nakita naman ito sa itinablang ‘perfect season.’

Ang Ateneo ang ikalawang koponan na nagkampeon  na hindi natalo sa season. Ang una ay ang La Salle  noong 2004 (14-0) pero ipinaiiral pa rito ang automatic champion sa sinumang koponan na makaka-sweep ng double round elimination.

Magbabalik sa Ateneo sa susunod na season si Valdez bukod pa kina Amy Ahomiro, Bea De Leon, Michelle Morente at Julia Morado pero wala na sina Ella de Jesus, Denise La-zaro at Aerieal Patnongon.

Inaasahang babalik mula sa injury list sina Ana Gopico at Marge Tejada pero ang nakikita ng marami kung bakit napakalakas ng Lady Eagles sa bagong season ay dahil sa paglalaro ni Fil-Canadian Maria Katrina “Kat” Tolentino.

May taas na 6’3” si Tolentino at tumanggap ng parangal bilang Best Attacker at Blocker noong nasa high school sa US.

“We really don’t know (malakas next year). Ang laking kawalan nila Ella at Denden hindi lang sa skills, pati leadership,” paliwanag ni Valdez.

Pero tunay na mas matangkad ang Lady Eagles sa susunod na taon kaya’t nagawa pang makapagbiro ni Valdez. “I’ll be the libero at si Amy ang setter,” banat nito. (AT)

vuukle comment

AERIEAL PATNONGON

ALYSSA VALDEZ

AMY AHOMIRO

ANA GOPICO

ANG ATENEO

ATENEO LADY EAGLES

BEA DE LEON

LADY EAGLES

VALDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with