National dragon boat athletes kalahok sa Seasports Festival
MANILA, Philippines - Ilan sa pinakamagaling na national athletes sa larangan ng dragon boat ay magpapakitang-gilas sa 2015 Manila Bay Seasports Festival na ilalarga nga-yong Sabado at Linggo.
May 18 koponan ang lalahok sa dragon boat race kung saan sumali ang mga pambansang atleta na lu-malaban sa mga international competitions.
Kasali sa taong ito ang mga koponan ng Philippine Air Force, Crimson Dragons, Amateur Paddlers Philippines, Rogue Pilipinas, Philippine Blue Phoenix, 1925 Paddlers Club, the Philippine Coast Guard, Triton, Onslaught Racing Dragons, Rowers Club Philippines Sea Dragons, One Piece Drakon Sangress, Manila Ocean Park, PNP Maritime Group Patriots, the Philippine Navy, NTMA Dragon Boat Team, Adamson University Paddlers, Maharlika Drakon Racers at Dragons Republic.
Ang 2015 Manila Bay Seasports Festival ay proyekto ng Manila Broadcasting Company at Lungsod ng Maynila, sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard na katatampukan din ng stock at formula races para sa mga bangkang de-motor.
Ang festival ay suportado rin ng Globe Telecom, Pride Detergent, Cobra Energy Drink, The Generics Pharmacy, Revicon, M. Lhuillier, Columbia Candies, at ng Herco-official distributor ng Briggs and Stratton.
- Latest