Irving humataw ng 57 pts.
SAN ANTONIO – Nagposte si guard Kyrie Irving ng career-high na 57 points at bumangon ang Cleveland Cavaliers para kunin ang 128-125 overtime victory laban sa San Antonio Spurs.
Iniskor ni Irving ang siyam na puntos sa hu-ling minuto ng regulation period para ipuwersa ang overtime.
Isinalpak ni Irving ang 3-pointer sa harap ng mahigpit na depensa ni Danny Green para ilapit ang Cleveland sa 107-110 sa huling 31 segundo sa regulation.
Matapos ang mintis na dalawang free throws ni Kawhi Leonard para sa Spurs sa natitirang 4.3 segundo, muling tumirada si Irving ng tres laban kay Leonard para itabla ang Cavaliers sa 110-110.
Tumipa si Irving ng 7-of-7 shooting sa 3-point line, may 20-of-32 fieldgoal shoting sa kabuuan bukod pa sa perpektong 10-of-10 free throws.
Nagdagdag si Le-Bron James ng 31 points sa kanyang unang laro sa AT&T Center matapos talunin ng San Antonio sa Game Five ng nakaraang NBA Finals sa kanyang huling paglalaro para sa Miami Heat.
Nagtala naman si guard Tony Parker ng 31 points sa panig ng Spurs kasunod ang 24 ni Leonard.
Sa Washington, tumapos si point guard John Wall na may 21 points, 7 rebounds at 6 assists para pangunahan ang Wizards sa 107-87 paglampaso sa Memphis Grizzlies.
Hindi pinaglaro ng Grizzlies ang kanilang mga starters laban sa Wizards.
“They sit ‘em, and I don’t know the reason why,’’ sabi ni Wall. “I think we’re a team that’s on the rise, and teams res-pect us now. And I guess they don’t respect us.’’
Iniwanan ng Memphis ng siyam na puntos ang Washington sa opening quarter at tinapos ang yugto bitbit ang 33-26 abante sa kabila ng hindi paglalaro nina starters Marc Gasol, Zach Randolph at Mike Conley at key reserve Tony Allen.
Si Conley, may right ankle injury sa kabiguan ng Grizzlies sa Boston Cel-tics noong Miyerkules, ang tanging may injury.
- Latest