^

PM Sports

Tama ang diskarte ng Bolts

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bago pa man ang laro ay alam na ni Meralco head coach Norman Black ang kanilang gagawin laban kay seven-foot import Solomon Alabi ng Barako Bull.

Hangga’t maaari ay dalawang player ang dedepensa kay Alabi kapag hawak nito ang bola.

At ang resulta nito ay ang 98-85 panalo ng Bolts kontra sa Energy para sa pagmartsa sa quarterfinal round ng 2015 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

“We were able to execute our gameplan and limit the import of Barako,” wika ni Black sa ginawa nilang paglimita kay Alabi na tumapos lamang na may 14 points at 12 rebounds.

Ipinoste ng Bolts ang 11-point lead, 49-38, sa halftime bago iwanan ang Energy sa 94-81 sa huling 1:16 minuto sa fourth quarter sanhi ng kanilang ikatlong sunod na kamalasan.

Bumandera rin para sa pagbangon ng Meralco mula sa two-game lo-sing slide si import Josh Davis na humakot ng 32 points at 19 boards matapos magkaroon ng back injury sa kanilang pagka-talo sa San Miguel noong Pebrero sa isang out-of-town game.

“It’s nice to have Josh Davis back at 100 percent. His energy really helps us win this game,” sabi ni Black sa kanyang 6-foot-7 reinforcement. “Davis is a great player. He will not score a lot but he brings a lot on the table.”

Nag-ambag si veteran forward Reynel Hugnatan ng 21 points, habang may 14 si Gary David para sa pang-anim na panalo ng Bolts.

Umiskor naman sina Paolo Hubalde at Chico Lanete ng tig-13 markers sa panig ng Energy kasunod ang tig-10 nina JC Intal at Nico Salva.

Samantala, susubukan ng Talk ‘N Text na makalapit sa ‘twice-to-beat’ incentive sa kanilang pagharap sa nagdedepensang Purefoods ngayong alas-5 ng hapon sa Davao City.

Meralco 98 - Davis 32, Hugnatan 21, David 14, Hodge 8, Wilson 7, Dillinger 4, Ferriols 4, Cortez 4, Ildefonso 2, Caram 2, Reyes 0, Buenafe 0, Anthony 0, Sena 0, Macapagal 0.

Barako Bull 85 - Alabi 14, Hubalde 13, Lanete 13, Intal 10, Salva 10, Lastimosa 7, Garcia 6, Pascual 6, Marcelo 2, Matias 2, Chua 0, Mercado 0, Salvador 0, Paredes 0, Sorongon 0.

Quarterscores: 24-20; 49-38; 70-61; 98-85.

vuukle comment

ALABI

BARAKO BULL

CHICO LANETE

DAVAO CITY

GARY DAVID

INTAL

JOSH DAVIS

MERALCO

N TEXT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with