Thrilla in Manila uli? Kung may Pacquiao-Mayweather rematch
MANILA, Philippines - Kung magtatagum-pay ang 36-gulang na si Manny Pacquiao sa May kontra kay Floyd Mayweather Jr. malaki ang posibilidad na magkaroon ng rematch bago matapos ang 2015.
Pero sinabi ng promoter ni Pacquiao na si Bob Arum ng Top Rank na wala pang plano pagkatapos ng May showdown nina Pacquiao at Mayweather.
“We’re focusing on this fight in May. It’s not necessarily Macau for Pacquiao (later this year),” ani Arum.
Pero may posibilidad na kung tatalunin ni Pacquiao si Mayweather, maaaring makuha niya ang control sa negotiations at piliting gawin ang rematch sa Manila.
At ito ay magiging isa na namang “Thrilla in Manila” na nangyari noong 1975 sa klasikong paghaharap nina Muhammad Ali at Joe Frazier.
“What I know is that before Manny retires he wants to fight one more time in the Philippines,” sabi ni Arum. “But we’re not making plans yet,” dagdag niya.
Sinasabing may plano rin si Pacquiao, two-term congressman, na tumakbo para sa mas mataas na posisyon sa 2016 election at karaniwang ginagawa ang eleksiyon sa buwan ng Mayo.
- Latest