^

PM Sports

Obiena at Unso aabangan sa National Open Invitational

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tiyak na kukuha ng atensyon ang dalawang ba­tang national team mem­bers sa 2015 Phi­lip­pine National Open Invitational Athle­tics Championships na naka­takda sa Marso 19-22 sa San Luis Sports Complex sa Sta. Cruz, Lagu­na.

Ang mga ito ay ang 19-anyos na si EJ Obie­na at ang 22-anyos na si hurdles specialist Patrick Unso na gagamitin ang kompetisyon para sa gaganaping SEA Games sa Singapore sa Hunyo.

Si Obiena na siyang re­cord holder sa pole vault sa lundag na 5.20 metro ay magta­tangka na maulit ang mar­ka para tumibay ang pag­hahabol ng gintong me­dalya sa SEA Games.

“Fourth placer lang ako sa Myanmar (2013) pero ang record ko nga­yon ay lampas sa 5.15m na nagawa ng gold me­­dalist sa last SEA Games. Sa ngayon ay may nakakagawa na rin ng 5.20 sa Thailand at kailangan kong itaas ito sa 5.30 para sa gold. Kapag nakuha ko ulit ang 5.20m sa Open ay ta­taas ang confidence ko,” wika ni Obiena.

Sa kabilang banda, si Unso ay magtatangkang abutin ang 14.14 segundong oras sa 110m hurdles para masama sa delegasyon.

“Qualifying tournament ito para sa akin at ang best time ko ay 14.21 at malapit na ito. Hopefully, makuha ko ito para masama sa Singa­pore,” ani ni Unso.

Naroroon din si PA­TA­FA president Philip Ella Juico at sinabi niyang maraming magagandang labanan ang ma­sisilayan sa event da­hil sa pagdating ng mga delegasyon mula Chi­na, Chinese Taipei, South Korea, Hong Kong, Brunei, Thailand, Malaysia, Vietnam, Singapore, Indonesia at Myanmar.

Lubusang suporta ang ibinigay ni Laguna Gov. Ramil Hernandez pa­ra sa Open.

CHINESE TAIPEI

HONG KONG

LAGUNA GOV

MYANMAR

NATIONAL OPEN INVITATIONAL ATHLE

PATRICK UNSO

PHILIP ELLA JUICO

RAMIL HERNANDEZ

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with