Ray Allen ‘di na lalaro ngayong season
MIAMI -- Maaaring magbalik si Ray Allen sa NBA, ngunit hindi nga-yong season.
Inihayag ng all-time leading 3-point shooter na naglaro sa dalawang NBA championship clubs na nagdesisyon siyang huwag pumirma sa anumang koponan ngayong season.
Ngunit sinabing magbabalik sa 2015-16.
“Over the past several months, I have taken a lot of time to deliberate what is best for me,’’ sabi ni Allen sa kanyang statement sa pamamagitan ni agent Jim Tanner. “I’ve ultimately decided that I will not play this NBA season.’’
Idinagdag ni Tanner na nakatanggap ang future Hall of Fame sharpshooter ng alok mula sa iba’t ibang NBA teams.
“Ray has received enormous interest from a number of NBA teams throughout this season,’’ ani Tanner. “We will communicate with interested teams as Ray makes a decision for the 2015-16 season.’’
Ipagdiriwang ni Allen ang kanyang ika-40 kaa-rawan sa Hulyo 20, ngunit nanatiling nasa kanyang pamatay na porma.
Si Allen ay isang 10-time All-Star na bahagi ng nagkampeong Boston Celtics noong 2008 at ng nagharing Miami Heat noong 2013 - ang season kung saan siya tumipa ng pinakamaraming tres sa NBA postseason history sa huling 5.2 segundo para dalhin ang Game 6 sa overtime laban sa San Antonio Spurs sa NBA Finals.
Nanaig ang Heat sa Game 7 para sa kanilang ikalawang sunod na NBA crown.
- Latest