PH Davis Cuppers sasabak na
MANILA, Philippines – Hinihiling ng Cebuana Lhuillier-Philippine Davis Cup team ang suporta ng mga kababayan sa kanilang pagharap sa Sri Lanka para sa Davis Cup Asia/Oceania Group 2 tie ngayong March 6-8 sa Valle Verde Country Club.
Sinabi kahapon ni team head coach Karl Santamaria na sana ay mahatak ang interes ng mga tao sa matagumpay na International Premier Tennis League (ITPL)noong Nobyembre sa gaganaping Davis Cup tournament.
Makikita sa aksiyon si grand slam veteran Treat Huey, lumaro para sa Manila Mavericks kasama sina Maria Sharapova, Andy Murray at Jo-Wilfried Tsonga sa ITPL.
“I talked to Treat and he said that of all the four legs of the IPTL, the Manila leg was the most successful,” sabi ni Santamaria sa nakaraang Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Shakey’s Malate noong Martes. “So we hope it generated that much interest for tennis and people show up. One of our supposed advantage is the hometown crowd.”
Ang drawing of lots ay gagawin ngayon sa Valle Verde din na magho-host ng event sa unang pagkakataon.
Ang opening singles matches ay bukas sa alas-4:00 ng hapon pagkatapos ng opening ce-remony sa alas-3:30. Ang doubles match ay sa sa Sabado at ang reverse singles ay sa Linggo sa alas-3 ng hapon.
Magdadala rin ng kampanya ng Pinas sina Pepperdine University standout Francis Casey Alcantara, PH No. 1 local PJ Tierro at Ruben Gonzales na kakapanalo lamang ng ATP Challenger singles title noong nakaraang linggo sa Mexico. Si Roland Kraut ay magsisilbing non-playing captain.
Hindi pa natatalo ang Philippines, sponsored ng Cebuana Lhuillier, Yonex, Pasig City at Philippine Sports Commission, sa Sri Lanka sa nakaraang walong pagkikita ngunit sinabi ni Santamaria na hindi sila magkukumpiyansa dahil may bagong player ang Sri Lankans na si Sharmal Dissanayake.
Ang 19-anyos na si Dissanayake, nanalo ng ATP points ngayong taon ay hindi nakapaglaro nang talunin ng Philippines ang Sri Lanka, 3-1 sa Colombo.
Idinagdag pa ni Santamaria sa naturang forum na suportado ng San Miguel Corp., Accel, Shakey’s at Philippine Amusement and Gaming Corp., na pinagsisikapan nilang makabalik na ang Pinas sa Group 1 sa susunod na taon.
Ang Sri Lanka team ay binubuo nina Harsahana Godamanna, Dineshkantan Thangarajah at Sankha Atukarale. Ang non-playing captain ay si Rohan Silva.
- Latest