^

PM Sports

Buhay pa ang NU spikers

Pang-masa

Laro sa Sabado (MOA Arena, Pasay City)

2 p.m. – NU vs Ateneo

(Men’s finals)

4 p.m. – La Salle vs NU (Women step-ladder semis)

MANILA, Philippines – Nanatiling buhay ang laban ng National University Lady Bulldogs nang hiyain nila ang La Salle Lady Archers sa pamamagitan ng 25-20, 25-20, 25-19 straight sets panalo sa pangalawang yugto sa 77th UAAP women’s volleyball step-ladder semifinals kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Dominado ng Lady Bulldogs ang attacks, blocks at serve para makahirit ng do-or-die game sa Sabado sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

“The girls did their best,” wika ni coach Ro-ger Gorayeb na pumasok sa koponan noong na-ngangapa ito at mayroon lamang 2-3 baraha.

Sina Jaja Santiago at Myla Pablo ay may tig-13 hits habang sina Jorelle Singh at Rizza Jane Mandapat ay naghatid pa ng 11 at 10 puntos para makaisa sa Lady Archers matapos ang tatlong laro.

Sina Pablo at Singh ang nanguna sa pag-atake nang magsalo sila sa 21 attack points para sa 40-32 bentahe.

May dalawang aces pa si Dadang na tumapos bitbit ang walong puntos para sa 5-4 kalamangan sa aces.

May 12 hits at dala-wang blocks si Ara Galang habang si Cyd Demecillo ay may 10 puntos.

Pero si Mika Reyes ay nalimitahan sa walong puntos  at ang matatangkad pero baguhang sina Christine Joy Soyud at Mary Joy Baron ay nagsanib sa limang puntos lamang.

Ang kagandahan lamang sa La Salle ay may isa pa silang tsansa para umabot sa ikapitong Finals appearance dahil bitbit nila sa tagisan ang twice-to-beat advantage nang okupahan ang ikalawang puwesto sa pagtatapos ng elimination round.

Kailangan na lamang ng top team sa elimination round na Eagles ang manalo uli sa Sabado para kunin ang kampeonato. (AT)

ARA GALANG

CHRISTINE JOY SOYUD

CYD DEMECILLO

JORELLE SINGH

LA SALLE

LA SALLE LADY ARCHERS

LADY ARCHERS

PASAY CITY

SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with