Butlers pahinga ng 3-6 weeks
CHICAGO -- Hindi makakalaro para sa Chicago Bulls ang isa pang key player na si All-Star guard Jimmy Butler na makakasama na rin ni MVP Derrick Rose sa sideline.
Inihayag ng Bulls na tatlo hanggang anim na linggong hindi makikita sa aksyon si Butler dahil sa sprained ligament sa kanyang kaliwang siko na lalong nagpahina sa koponan ngayong season.
“I guess when it rains, it pours,’’ sabi ni veteran Kirk Hinrich. “We can’t sit around and feel sorry for ourselves. Nobody else is going to. We’ve got to find a way.’’
Sumailalim si Butler, ang league leader sa minutes per game at ang Chicago top scorer sa MRI noong Lunes.
Hindi siya nakalaro sa second half sa kabiguan ng Bulls sa Los Angeles Clippers matapos bumangga sa pick ni DeAndre Jordan.
Angat ang Chicago (37-23) sa Cleveland ng kalahating laro sa Central division at hinahabol ang Toronto Raptors sa ikalawang puwesto sa Eastern Conference.
Naipatalo ng Bulls ang dalawa sa kanilang huling tatlong laro matapos ihayag noong nakaraang linggo na ooperahan sa tuhod si Rose.
Haharapin ng Chicago ang Washington sa Martes kasunod ang Oklahoma City sa Huwebes at bibisita sa Indiana at sa San Antonio sa Biyernes at Linggo bago sagupain ang Memphis sa March 9.
- Latest