May patutunayan ang mga weightlifters
MANILA, Philippines - Matapos tanggalin sa listahan ng mga events sa Singapore Southeast Asian Games ang weightlifting, patutunayan ni Olympian Hidilyn Diaz at lifters Nestor Colonia at Jeffrey Garcia ang kanilang kakayahan sa paglahok sa SEA Weightlifting Championships na nakatakda sa Hunyo 26-29 sa Bangkok, Thailand.
Lalaban si Diaz, ang two-time Olympian at silver medalist noong 2013 SEA Games, sa women’s 58 kgs division, habang lalahok sina Asian Games campaigner Colonia at Garcia sa men’s 56kg at 62kg, ayon sa pagkakasunod, sa torneong inorganisa bilang kapalit ng weightlifting events sa Singapore SEA Games.
Matagal nang nagsasanay ang mga national lifters para sa torneo, ayon kay coach Alfonso Aldanete.
“Malaki ang chance especially mahigpit ang training na ginagawa nila ngayon, three times a day,” wika ni Aldanete.
Hangad ng 24-anyos na si Diaz ang kanyang ikatlong sunod na Olympics appearance sa Rio De Janeiro, Brazil sa susunod na taon matapos kumampanya sa Beijing at London. Sasabak si Diaz sa Olympic-qualifying world championships sa Houston sa Nobyembre.
“Kaya naman,” wika ni Diaz.
Kagaya ng mga lifters, kakampanya din ang Phi-lippine Malditas sa Asean Football Federation (AFF) Women’s Championship sa Mayo 1-10 sa Ho Chi Minh, Vietnam.
Maliban sa weightlifting ay tinanggal din ang women’s football sa Singapore SEA Games.
Makakalaban ng Malditas ang host Vietnam, Myanmar at Malaysia sa Group B, habang nasa ibang grupo naman ang Thailand, Australia, Indonesia at Laos.
“Our women’s team will have the Asean championship and we’ll be preparing for that,” sabi ni Philippine Football Fe-deration (PFF) president No-nong Araneta.
- Latest