^

PM Sports

Para maghari sa Ronda Pilipinas Barnachea sumandal sa kanyang eksperyensa

RCadayona - Pang-masa

BAGUIO CITY, Philippines – Sa kanyang edad ay hindi inisip ni Santy Barnachea ng Navy Standard Insurance na siya ang magkakampeon sa katatapos na Ronda Pilipinas 2015 na inihandog ng LBC.

“Sa totoo lang, inisip ko lang na makakapasok ako sa top five kasi maraming mga batang ma­ga­galing kagaya nina (Mark) Galedo at (Ronald) Oranza,” ani Barnachea.

Bagama’t hindi nakapanalo ng anumang stage ay nakamit pa rin ni Barnachea ang overall crown.

Sa kanyang paghahari sa inaugural edition no­­ong 2011 ay nabigo rin ang tubong Umingan, Panga­sinan na makakuha ng stage.

Sinabi ng siklista na ibabahagi niya ang kanyang premyong P1 milyon sa mga miyembro ng Navy-Standard Insurance, kabilang na dito ang 37-anyos na si Lloyd Lucien Reynante.

Ito ang ikaapat na cycling title ni Barnachea ma­tapos manalo sa Tour of Calabarzon noong 2002 at sa Padyak Pinoy noong 2006.

Maliban kay Barnachea, lima pang Navy riders ang nakapasok sa top 10 overall.

Ito ay sina No. 3 Jan Paul Morales, No. 4 Oranza, No. 5 Reynante at No. 10 El Joshua Cariño.

Si Cariño ang hinirang na Standard Insurance Best Under-23 rider, habang si Morales ang kinilalang Petron Sprint King.

“Total team effort ito. Hindi ko ito makukuha kung wala ang suporta ng Navy-Standard Insu­rance team,” ani Barnachea.

Ang eight-stage race ay inihandog ng LBC ka­sama ang mga major sponsors na Manny V. Pangi­linan Sports Foundation, Petron at Mitsubishi at mga minor sponors na Cannondale, Standard In­su­rance, Tech1 Corp., Maynilad at NLEX at may basbas ng PhilCycling sa ilalim ni Cavite Congressman Abraham Tolentino at ang TV5 at Sports Radio bilang media partners.

BARNACHEA

CAVITE CONGRESSMAN ABRAHAM TOLENTINO

EL JOSHUA CARI

JAN PAUL MORALES

LLOYD LUCIEN REYNANTE

MANNY V

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with