^

PM Sports

Pagkatalo ng Kia babaunin ni Pacquiao sa pagbiyahe sa US

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Handang-handa na si Kia playing coach Manny Pacquiao sa kanyang pagtungo sa United States ka­ya hindi siya nakasuot ng basketball uniform ka­gabi.

Ngunit imbes na kali­gayahan ang kanyang ba­unin sa biyahe ay kalungkutan.

Winakasan ng Blackwater Elite ang two-game winning run ng Carnival matapos iposte ang 115-104 panalo sa 2015 PBA Commissioner’s Cup sa San Juan Arena.

Pansamantalang iiwanan ni Pacquiao ang Kia para magsanay sa Wild Card Boxing Club bilang paghahanda sa laban nila ni Floyd Mayweather, Jr. sa Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Ne­va­da.

Sinimulan ng Carnival ang laro mula sa kanilang 7-0 abante bago kumamada ang Elite para itala ang 18-point lead, 39-21, sa 7:54 ng second period.

Nakalapit ang Kia sa 57-62 sa 8:36 ng third quarter mula sa pagbibida ni 7-foot-4 import PJ Ramos, kumolekta ng 49 points, 14 rebounds at 3 assists.

Ngunit muling nakalayo ang Blackwater sa 109-97 sa likod ng dalawang sunod na jumper ni Eddie Laure sa huling 59 segundo.

Tumapos si guard Brian Heruela na may ca­reer-high na 27 points, 8 rebounds at 7 assists, ha­bang nagdagdag si na­turalized player Marcus Douthit ng 24 markers, 13 boards, 6 assists at 5 shotblocks para sa Elite.

BLACKWATER 115 – Heruela 27, Douthit 24, Salvacion 22, Gamalinda 10, Laure 7, Reyes 6, Erram 6, Bu­lawan 6, Ballesteros 4, Faundo 2, Celiz 1.

Kia 104 – Ramos 49,  Ave­nido 10, Cervantes 9, Bagatsing 9, Thiele 8, Revilla 8, Buensuceso 3, Cawa­ling 2, Dehesa 2, K. Pascual 2, Yee 2, Poligrates 0, Alvarez 0, Burtscher 0.

Quarterscores: 29-21; 56-42; 83-69; 115-104.

BLACKWATER ELITE

BRIAN HERUELA

EDDIE LAURE

FLOYD MAYWEATHER

KIA

LAS VEGAS

MARCUS DOUTHIT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with