^

PM Sports

NU Bulldogs sasagupa sa Blue Eagles sa finals Lady Tams sibak sa Lady Bulldogs

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines – Naigupo ng National University ang malakas na hamon ng Far Eastern University para pagpahi­ngahin ang huli sa pamamagitan ng 25-13, 25-17, 25-27, 25-23 tagumpay  sa pagbubukas ng 77th UAAP women’s volleyball step-ladder semifinals kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Si Myla Pablo ay mayroong 22 puntos at anim na digs, habang sina Jo­relle Singh at Jaja Santiago ay naghatid ng 20 at 19 puntos, ayon sa pagka­kasunod, para angkinin ng Lady Bulldogs ang ka­rapatan na labanan ang De La Salle University Lady Spikers sa second round ng semis.

Binasag ni Pablo ang 23-all iskor sa isang cross-court hit bago nagpakawala ng kill ang 6-foot-2 na si Santiago para magpatuloy ang paghahabol ng NU ng ikatlong titulo sa women’s volleyball tournament pe­ro ang naunang dalawa ay nangyari noon pang de­kada 50 pa.

“Marami kaming errors lalo na sa third set pe­ro ang kagandahan lang ay bumalik ang laro nila sa fourth set at hindi bumigay,” wika ni NU head coach Roger Gora­yeb.

Ito na ang ikaapat na ‘sudden-death’ ng FEU at sa pagkakataong ito ay wala na ang suwerte sa ka­nila.

Si Bernadeth Pons ay mayroong 15 kills tungo sa 16 hits.

Ang mga baguhan namang sina Heather Guino-o at Toni Rose Basas ay mayroong 13 at 10 hits, ayon sa pagkakasunod.

Ngunit ang mga bete­ra­nang sina Geneveve Ca­­sugod at Remy Palma ay nagkaroon lamang ng siyam at dalawang puntos para tuluyan nang magpahinga ang Lady Tamaraws.

Doble ang selebras­yon ng mga panatiko ng NU dahil ang Bulldogs ay bumalik sa finals nang lapain ang University of Sto. Tomas Tigers sa pa­mamagitan ng 25-18, 25-23, 25-23 panalo sa kanilang ‘sudden-death’ match sa men’s division.

Sina Peter Torres, Reuben Inaudito, Edwinn Tolentino at Jan Paglinawan ay may 13, 12, 12 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Ang depensa ng Bulldogs ay nagresulta para ma­limitahan sa 17 hits si Mark Alfafara.

Si Alfafara ay guma­wa ng 37 puntos sa Game One na naisuko rin ng Tigers para mabigong pa­nga­tawanan ang pagi­ging second seed sa Final Four.

Makakatapat ng NU Bulldogs ang Ateneo Blue Eagles sa rematch ng men’s fi­nals  noong naka­ra­ang ta­­on.

ATENEO BLUE EAGLES

DE LA SALLE UNIVERSITY LADY SPIKERS

EDWINN TOLENTINO

FAR EASTERN UNIVERSITY

FINAL FOUR

GAME ONE

GENEVEVE CA

HEATHER GUINO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with