^

PM Sports

Navarra sa Stage 6 ng Ronda Pilipinas Sigurado na kay Santy?

Russell Cadayona - Pang-masa

BAGUIO CITY, Philippines – Hawak ang pitong minuto at 32 segundong kalamangan sa overall race at sa huling dalawang yugto ng Ronda Pilipinas 2015 na inihahandog ng LBC ay itinuturing nang virtual champion si Santy Barnachea.

Nagposte ang 38-anyos na si Barnachea ng Navy Standard Insurance ng aggregate time na 21 oras, 49 minuto at 37 segundo para abot kamay na niya ang  P1 milyong premyo.

Ito ay bagama’t nakatakda pang pakawalan ang Stage Seven 8.8-km Individual Time Trial ngayong umaga sa Sto. Tomas, Tuba Benguet kasunod ang Stage Eight 90-km criterium sa Harrison Avenue kinahapunan.

“Siyempre, magiging masayang-masaya ako  kung champion ulit ako for the second time dito sa Ronda Pilipinas,” sabi ng tubong Asingan, Pangasinan na naghari sa unang edisyon ng karera noong 2011.

Iniwanan ni Barnachea sina Stage One winner George Oconer (21:57:09) ng PSC/PhilCycling, John Paul Morales (21:58:54) ng Navy, Edgar Nieto (22:00:51) ng composite team, Stage Two winner Ronald Oranza (22:01:07) ng Navy, Lloyd Lucien Reynante (22:01:23) ng Navy, 2012 Ronda titlist Irish Valenzuela (22:02:24) ng Army, Stage Three winner Baler Ravina (22:02:29) ng 7-Eleven, Cris Joven (22:03:39) ng Army at John Mark Ca-mingao (22:08:47) ng Navy.

Si Barnachea ang magiging kauna-unahang two-time champion ng Ronda Pilipinas kung sakali.

Bago sumabak sa Ronda Pilipinas 2015 ay nagbawas ng timbang at nagpakondisyon nang husto si Barnachea na nauna nang nagsabing ito na ang kanyang magiging huling karera.

“Siguro kapag ayaw na sa akin ng Navy Standard Insurance saka ako magre-retire. Mahirap kasi ‘yung kakarera ka nang wala kang suporta,” ani Barnachea, dalawang beses ding nagkampeon sa Tour De Filipinas.

Sa pangatlong sunod na taon ay dinomina naman ni Junrey Navarra ng PSC/PhilCycling ang Stage 6 152-km sa kanyang bilis na 4:36:22 para ibulsa ang premyong P30,000 at isuot ang polka dot jersey.

“Sanay talaga ako sa akyatan kaya nakuha ko ulit ang stage dito,” ani Navarra, ang stage winner sa Dagupan-Baguio route noong 2013 at 2014.

                               

 

BALER RAVINA

BARNACHEA

CRIS JOVEN

EDGAR NIETO

GEORGE OCONER

NAVY STANDARD INSURANCE

RONDA PILIPINAS

STAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with