Triple-double kay Westbrook
OKLAHOMA CITY – Ipinagkibit-balikat lang ni Russell Westbrook ang kanyang triple-double. Mas excited siya sa pag-akyat ng Oklahoma City Thunder sa standings.
Nagtala si Westbrook ng 20 points, 11 rebounds at 10 assists nang igupo ng Oklahoma ang Indiana Pacers, 105-92 nitong Martes para sa kanilang ikapitong sunod na panalo.
Ang Thunder na may 9-1 record nitong Februa-ry at nakalapit sila ng 2 1/2 games sa San Antonio Spurs para sa No. 7 spot sa Western Conference.
“Everybody’s playing with a great amount of confidence,’’ sabi ni Westbrook. “We’re playing together, making the extra pass, and guys are getting open shots, so it makes it easy on everybody. I’m just happy to see everybody doing well.’’
Naitala ni Westbrook ang ikatlong triple-double sa season at ika-11th sa kanyang career bagama’t nagpahinga siya sa kabuuan ng fourth quarter.
Iba ang kanyang laro bagama’t may mga kasama siyang dalawang bagong starters. Sapul nang maiboto bilang All-Star Game MVP, nag-average si Westbrook ng 27.0 points, 11.8 assists at 7.8 rebounds para sa 4-0 record ng Thunder. Mayroon siyang 10 assists sa apat na games.
“He just continues to stack games up on top of one another,’’ sabi ni Thunder coach Scott Brooks. “He’s played well. He’s doing a great job of leading us, leading the new guys and leading the group. Making it all come together.’’
Nagtala si Serge Ibaka ng 23 points at 10 rebounds at nagdagdag si Enes Kanter ng 15 points para sa Thunder.
Ang 6’11 na si Kanter ay nag-a-average ng 15 points ng tatlong games sapul nang makuha mula sa Utah noong trade deadline.
Ikatlong sunod na panalo ito ng Oklahoma City na wala si Kevin Durant na inoperahan para palitan ang tornilyo sa nauna niyang operasyon sa kanang paa.
Sa Dallas, bumalikwas ang Dallas Mave-ricks mula sa malaking agwat para talunin ang Toronto Raptors, 99-92 kung saan nagkasigawan sina starting point guard Rajon Rondo at coach Rick Carlisle sa isang timeout sa third quarter.
- Latest