^

PM Sports

Kia nakahuli na naman ng malaking isda

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ibinilang ng Kia ni playing coach Manny Pacquiao ang Talk ‘N Text sa mabibigat na koponang kanilang pinabagsak.

Dumiretso sa kanilang ikalawang sunod na pa-nalo ang Carnival matapos igupo ang Tropang Texters, 106-103 para masolo ang pang-limang puwesto sa 2015 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Nauna nang tinalo ng Kia ang nagdedepensang kampeong Purefoods, 95-84 na naging mitsa ng pagkakasibak kay import Daniel Orton dahil sa paninirang-puri sa liga at kay Pacquiao.

“Dininig ng Panginoon ang panalangin namin,” sambit ni Pacquiao, nakahugot ng 24 points, 25 rebounds at 9 assists kay 7-foot-4 import PJ Ramos.

Nagdagdag naman si Hydra Bagatsing ng 21 markers, tampok ang 6-of-7 shooting sa three-point line, kasunod ang 16 ni Leo Avenido at 10 nina Kyle Pascual at Reil Cervantes.

Ang basket ni Ramos ang nagbigay sa Kia ng 105-98 bentahe sa huling 1:13 minuto sa final canto.

Ito na ang tumapos sa three-game winning streak ng Talk ‘N Text.

Pinangunahan ni guard Jayson Castro ang Tropang Texters sa kanyang 24 points kasunod ang 21 ni import Ivan Johnson, 13 ni Larry Fonacier, tig-12 nina Rosser at Aaron Aban at 11 ni Ranidel De Ocampo.

Kasalukuyan pang naglalaro ang Barangay Ginebra at ang Blackwater habang isinusulat ito.

KIA 106 – Ramos 24, Bagatsing 21, Avenido 16, Pascual 10, Cervantes 10, Buensuceso 10, Revilla 5, Dehesa 5, Cawaling 3, Alvarez 2, Thiele 0, Poligrates 0, Pacquiao 0.

Talk ‘N Text 103 – Castro 24, Johnson 21, Fonacier 13, Rosser 12, Aban 12, De Ocampo 11, Reyes 6, Alas 4, Carey 0, Miller 0, Espiritu 0.

Quarterscores: 22-33; 50-51; 78-76; 106-103.

AARON ABAN

BARANGAY GINEBRA

DANIEL ORTON

DE OCAMPO

KIA

N TEXT

PACQUIAO

RAMOS

TROPANG TEXTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with