^

PM Sports

Nakatulong pa sa SMB ang pagkawala ni Davis

Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi man ginusto ang nangyari, ang pagkawala sa laro ni Meralco import Josh Davis sa second period ang naging daan para makamit ng San Miguel ang kanilang unang panalo sa 2015 PBA Commissioner’s Cup.

Minantsahan ng Beermen ang malinis na record ng Bolts matapos kunin ang 102-86 panalo kagabi sa Xavier University Gym sa Cagayan De Oro City.

Humakot si June Mar Fajardo ng 21 points at 20 rebounds para sa San Miguel na nagparada kay balik-import Arizona Reid.

Sinamantala ng Beermen ang pagkawala sa laro ni Davis para sa kanilang unang panalo sa komperensya matapos ang 0-4 panimula. Nawala sa laro si Davis nang kumagat at bumagsak mula sa ginawang fake sa kanya ni 6-foot-10 June Mar Fajardo sa 7:16 minuto ng second period kung saan tabla ang laro sa 30-30.

Samantala, ipaparada ng nagdedepensang Purefoods si PBA Best Import Denzel Bowles, pumalit sa sinibak na si Daniel Orton sa kanilang pagharap sa Ginebra nga-yong alas-5:15 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Si Orton ay pinagmulta ni PBA Commissioner Chito Salud ng P250,000 dahil sa paninirang-puri sa liga pati na kay Kia playing coach Manny Pacquiao matapos matalo ang Hotshots sa Carnival noong Miyerkules.

Sa unang laro sa alas-3:00 ng hapon ay magtatapat ang Globalport at Blackwater. (RCadayona)

 

vuukle comment

ARIZONA REID

BEERMEN

BEST IMPORT DENZEL BOWLES

CAGAYAN DE ORO CITY

COMMISSIONER CHITO SALUD

DANIEL ORTON

JOSH DAVIS

JUNE MAR FAJARDO

SAN MIGUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with