^

PM Sports

NSAs papanagutin ng PSC kung matatalo ang kanilang mga atleta sa 2015 SEAG

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kailangang pag-isi­pan nang husto ng mga National Sports Asso­ciations (NSAs) ang ipa­­dadalang atleta kung ang mga ito ay palaban para sa medalya sa Southeast Asian Games sa Singapore.

Ayon kay PSC chairman Ricardo Garcia, pa­panagutin ng ahensya ang mga NSAs kung ang mga ipinilit na atleta ay bumalik na luhaan ma­tapos ang SEAG sa Hunyo.

Hindi na bago sa mga NSAs ang maghabol ng mga atleta na hindi pu­masa sa criteria na ini­latag ng mga namumu­nong opisyales.

“Ang sistema nga­yon, kapag ang isang pi­nilit na atleta ay tinanggap at ipinadala sa SEA Games at hindi nanalo ang gastos nila ay ibabawas sa budget ng mga NSAs,” wika ni Garcia.

Kailangan umanong gawin ito para magkaro­on ng responsabilad ang mga NSAs officials sa bawat aksyon na ka­nilang gagawin lalo na kung ang ipinakikita ng ka­nilang atleta sa kompetisyong sasalihan ang pag-uusapan.

May mga NSAs na may mga sponsors at na­is nilang gamitin ang SEA Games para sa ex­po­sure ng kanilang mga atleta.

Tama umanong big­yan ng pagkakataon ang may mga potensyal pe­ro hindi ang mga at­le­ta na sa simula pa lamang ay alam na malabong magkamedalya la­­lo na sa mga measu­ra­ble sports.

“Kaila­ngang maramdaman ni­la ang respon­si­bilidad sa kanilang ak­­syon. Kaya ang pe­rang ginasta ay ibabawas sa ka­nilang foreign ex­posure o sa training funds,” ani Garcia.

Aabot sa 350 hanggang 400 ang bilang ng at­leta na la­laro sa SEA Games.

AABOT

ATLETA

AYON

GARCIA

NATIONAL SPORTS ASSO

RICARDO GARCIA

SHY

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with