Inaasahang papatawan ng parusa ni Commissioner Salud Purefoods import tinawag na ‘joke’ si Pacquiao
MANILA, Philippines - Nakaharap na ni Manny Pacquiao ang mga tinitingala sa boxing at maging ang mga matataas na personalidad sa buong mundo kagaya nina US President Barack Obama at Prince Harry ng Royal Family.
Kaya naman hindi katanggap-tanggap ang ginawang pambabastos sa kanya ni Purefoods Hotshots import Daniel Orton.
Itinuring ni Orton ang Filipino world eight-division champion na ‘joke’ sa basketball matapos ang 84-95 kabiguan ng Purefoods laban sa Kia Carnival ni Pacquiao sa 2015 PBA Commissioner’s Cup noong Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.
“This game is seriously a joke. The way the game was going, the refs took the game that I know and love and they made it into a mockery,” sabi ng 6-foot-8 reinforcement sa isang panayam.
Kinutya din ni Orton ang paglalaro ng 5’6 at 36-anyos na si Pacquiao sa PBA.
“That’s the joke. That’s part of the joke I was talking about. Professional boxer, yeah, okay. Congressman, alright. Professional basketball player, no. It’s a joke. Seriously, it’s a joke,” sabi ng 6-foot-8 import.
Nalimitahan si Orton, ang dating first round pick ng Orlando Magic, sa 6 points at 3 rebounds sa loob ng 19 minuto dahil sa pagkakalagay niya sa foul trouble.
Dahil sa kanyang pahayag ay ipinatawag ni PBA Commissioner Chito Salud si Orton sa kanyang opisina ngayong ala-1 ng hapon para pakinggan ang panig nito.
“Wala naman kay Manny ‘yun. Knowing Manny, when you slap him in the right (cheek), he will give you his left. Pero kami sa team, siyempre nasaktan,” sabi ni Kia team manager Eric Pineda sa pambabastos ni Orton kay Pacquiao.
Samantala, ipaparada ng Rain or Shine si balik-import Wayne Chism laban sa Alaska, ibabandera si Damon James, sa kanilang laro ngayong alas-7 ng gabi sa Big Dome.
Si Chism, tinulungan ang Elasto Painters sa third-place finish noong nakaraang PBA Commisisoner’s Cup, ang humalili kay Rick Jackson.
Ang 27-anyos namang si James, miyembro ng San Antonio Spurs na tumalo sa Miami Heat para sa NBA championship noong nakaraang taon, ang pumalit kay DJ Covington.
Sa unang laro sa alas-4:15 ng hapon ay itatampok ng Talk ‘N Text si Ivan Johnson bilang kapalit ni Richard Howell para sa kanilang pakikipagsagupa sa NLEX na babanderahan ni NBA veteran Al Thornton.
- Latest