^

PM Sports

Fresh Fighters inangkin ang Aspirant’s Cup haping-hapi ang feeling

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakita ang malalim na talentong taglay ng Ha­pee Fresh Fighters nang kanilang igupo ang Ca­gayan Rising Suns, 93-91, sa overtime kahit na­wala sa kaagahan ng laro si Bob­by Ray Parks, Jr. tu­ngo sa pagsungkit sa PBA D-League Aspirant’s Cup title kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pa­sig Ci­ty.

Sina Garvo Lanete, Troy Rosario at import Ola Adeo­gun ay naghatid ng larong inaasahan sa kanila sa kinamadang 22, 20 at 19 puntos at sina Rosario at Adeogun na may 13 at 12 boards.

Pero ang tumayong bi­da sa huli para sa Fresh Fighters ay si NCAA MVP Earl Scottie Thompson nang pangunahan ni­ya ang tatlong sunod na defensive play sa huling 27 segundo na nagresulta sa kauna-unahang kam­peonato ng Hapee matapos magbakasyon sa amateur basketball sa loob ng li­mang taon.

“Ang determinasyon ng mga players ang nag­da­la sa amin sa panalo,” wi­ka ni Hapee head coach Ron­nie Magsanoc.

Lumaban ng sabayan ang Rising Suns at tila maihihirit ang sudden death nang umiskor ng mag­kasunod si Jason Me­lano para sa 91-89 bentahe.

Dito lumabas ang ga­ling ni Thompson para sa come-from-behind win.

Matapos ang split ni Baser Amer ay naagaw ni Thompson ang inbound pass ni Moala Tautuaa pa­ra sa kanyang go-ahead basket, 92-91.

Palitan ng mintis ang sunod na nangyari bago na­kaagaw muli si Thompson laban kay Alex Austria.

Sablay ang kanyang da­lawang free throws pero naroroon si Adeogun para sa offensive rebound na nagresulta sa split para sa 93-91 bentahe.

May 5.3 segundo pa sa orasan at sapat para sa pampanalong play ng Ri­sing Suns pero diniskaril ito ni Thompson nang bu­tatain si Don Trollano.

Si Thompson na limi­tado lamang ang playing time sa mga naunang laro dahil maraming kaagaw sa puwesto ay tumapos na may 11 puntos, 5 steals at 1 block para sa paghahari ng Fresh Fighters.

(ATan)

HAPEE 93 – Lanete 22, Rosario 20, Adeogun 19, Thompson 11, Amer 7, Newsome 6, Dela Cruz 3, Elorde 3, Hayes 2, Parks 0, Long 0.

Cagayan Valley 91 – Gal­liguez 18, Trollano 17, Me­lano 13, Tautuaa 13, Aus­tria 8, Celada 7, Tayongtong 7, Mabulac 3, Dilay 2, Flores 2, Salamat 1, Olayon 0, Capacio 0, Santos 0.

Quarterscores: 16-17; 34-33; 68-65; 82-82; 93-91.

 

ADEOGUN

ALEX AUSTRIA

BASER AMER

CAGAYAN VALLEY

D-LEAGUE ASPIRANT

DELA CRUZ

FRESH FIGHTERS

RISING SUNS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with