^

PM Sports

Yellow Cab Challenge Philippines Subic-Bataan sa Peb. 21

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa hangaring higitan ang matagumpay na karera noong 2014, ang Yellow Cab Challenge Philippines Subic-Bataan sa Pebrero 21 ay dadaluhan ng mga pinakamagagaling sa larangan ng triathlon kasama na rin ang ilan sa mga local celebrities.

 Pangungunahan ni Drew Arellano ang ilang TV personalities na susuong ng 1.9km swim, 90km bike at 21.1km run.

Ilan din sa lalahok ang GMA News Anchor na si Kara David na sasali sa Powerpops TriKings (para sa running) habang ang dating TGIS actor na si Onemig Bondoc ay sasali sa run relay.

Inaasahan ding magpapakitang-gilas sina dating PBB housemate Paul Jake Castillo, TV commercial director at entrepreneur Sid Maderazo at triathlon coach Miguel Antonio Lopez. Ang karerang ito ang may pinakamalaking premyo sa Asya.

Ang pinakaunang Challenge race sa bansa ‘nung nakaraang taon na ginanap din sa Bataan ay binansagang pinakaprestihiyosong triathlon race sa buong rehiyon ng Asya ng Trimag Asia.  Dinaluhan ito ng 729 na atleta kabilang na ang dalawang crown prince ng Bahrain.

Ang Yellow Cab Challenge Philippines ay ibo-brodkast sa halos 82 na bansa na magpapakita na ang Pilipinas ay isa sa pinakamagandang sports destination.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang Challenge Philippines website sa http://challengephilippines.com.ph.

ANG YELLOW CAB CHALLENGE PHILIPPINES

ASYA

CHALLENGE PHILIPPINES

DREW ARELLANO

KARA DAVID

MIGUEL ANTONIO LOPEZ

NEWS ANCHOR

ONEMIG BONDOC

PAUL JAKE CASTILLO

SID MADERAZO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with