^

PM Sports

Ateneo Eaglets isang panalo na lang para sa UAAP Jrs. basketball title

Pang-masa

MANILA, Philippines - Binawi ng Ateneo Eaglets ang bentahe sa National University Bullpups nang angkinin ang Game Two sa 77th UAAP juniors basketball Finals gamit ang 78-76 panalo kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Ang ‘big three’ ng Eaglets na sina Lorenzo Mendoza at ang kambal na sina Matt at Mike Nieto ay gumawa ng 54 puntos habang ang off-the-bench na si Gian Mamuyac ay may 10 puntos para lumapit sa isang panalo tungo sa paghablot ng ika-19th juniors title ng paaralan.

Lumamang ng hanggang 15 ang Eaglets, 65-50 at kahit dumikit ang nagdedepensang kam-peon na Bullpups sa tatlo, 76-73 ay nakuha pa rin ng Ateneo ang panalo nang naipasok ni Matt ang da-lawang free throws sa hu-ling sampung segundo.

Tinapos ni NU team captain Philip Manalang ang laro sa pamamagitan ng isang triple sabay tunog ng final buzzer.

“We  were so excited and wanted to win Game One but we forgot how to do it. I told the boys to just enjoy this game, do the things right, do what we do best inside the court, that is sharing the ball,” wika ni Ateneo coach Joe Silva.

Hindi nagpabaya sa opensa ang Eaglets para tumapos sa respetadong 44.26% (27-of-61).

Nangibabaw din ang kanilang starters sa mga katapat, 62-59 habang ang bench ay kinapos lamang ng isang puntos sa nagawa ng NU relievers, 16-17.

Si Manalang ay mayroong 19 puntos, pero ang nagdomina sa Game One na napanalunan ng NU, 76-72 na si Mark Dyke ay naposasan.

Mula sa 20 puntos at 17 rebounds sa unang labanan, ang 6’3” na si Dyke ay nalimitahan lamang sa 12 puntos at 16 boards. (AT)

ATENEO

ATENEO EAGLETS

GAME ONE

GAME TWO

GIAN MAMUYAC

JOE SILVA

LORENZO MENDOZA

MARK DYKE

MIKE NIETO

NATIONAL UNIVERSITY BULLPUPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with