Stoudemire iniwan ang New York para sa Dallas
DALLAS -- Humiling si Amare Stoudemire sa New York Knicks na iwanan ang kanyang kontrata para sa pinapangarap na NBA championship.
Nagdesisyon ang veteran forward na gusto niyang tapusin ang kanyang season sa Dallas Mavericks para sa hinahangad na kauna-unahang titulo.
Sinabi ng isang source na pumayag si Stoudemire na pumirma ng kontrata sa Mavericks matapos tumanggap ng buyout mula sa Knicks.
Hindi pa niya maaaring gawing opisyal ang kanyang verbal commitment sa Dallas hangga’t hindi natatapos ang waivers.
Maaari nang makapaglaro si Stoudemire sa pagsagupa ng Mavericks sa Oklahoma City Thunder sa Huwebes matapos ang NBA All-Star break.
Binitawan ng Knicks ang 32-anyos na si Stoudemire noong Lunes matapos humiling ng buy out sa natitira sa kanyang kontrata na magtatapos ngayong season.
“I will be forever grateful for the opportunity to contribute positively on the court and in the community,’’ sabi ni Stoudemire. “Although I leave the Knicks with a heavy heart, I wish the organization the best of luck. Once a Knick always a Knick.’’
Nangailangan ang Dallas ng tulong sa front court matapos dalhin si Brandan Wright sa Boston bilang kapalit ni point guard Rajon Rondo.
Nagtala si Stoudemire ng mga averages na 17.3 points at 6.7 rebounds sa 255 laro sa loob ng limang seasons para sa Knicks kung saan niya natulungan ang koponan sa tatlong playoffs stint.
- Latest