^

PM Sports

Oranza inangkin ang Stage 1 ng Luzon qualifying ng Ronda

Pang-masa

SAN JOSE, Tarlac, Philippines – Ipinakita ni Ronald Oranza ang kanyang kahandaang magkampeon matapos pamahalaan ang Stage One ng Luzon quali­fying leg ng Ronda Pilipinas 2015 na inihahandog ng LBC na nagsimula sa Provincial capitol at natapos sa Monasterio de Tarlac dito.

Nagtala si Oranza, kasama ng national team na sumabak sa nakaraang Asian Cycling Championship sa Nakhon Ratchasima, Thailand noong naka­raang linggo, ng 3 oras, 32 minuto at 1 segundo sa naturang 138.9-kilometer Stage One.

Dumikit si Elmer Navarro ng Team Cebu kay Oranza ngunit nabigong ma­lampasan ang huli para sa kanyang oras na 3:32.17 kasunod sina Navymen Jan Paul Morales, inaugural Ronda champion Santy Barnachea at John Mark Camingao.

Sinabi ni Oranza, awtomatiko nang mapapasama sa championship round ka­sama si 2014 winner Reimon Lapaza ng Butuan City at mga kapwa natio­nal team members sa pamumuno ni Mark Galedo, na ginagamit niya ang Lu­zon qualifying para paghandaan ang main event kung saan hangad niyang ma­kamit ang kanyang unang Ronda title.

“Sana magawa ko this year,” sabi ni Oranza, ibinulsa ang top purse na P25,000,00.

Malaki ang tsansa ni Oranza na magawa ito dahil solido ang suporta sa kan­ya ng national squad at ng Navy-Standard Insurance team na binabande­rahan ng 38-anyos na si Barnachea, asam na maging unang siklista na nagwa­gi ng da­lawang beses sa annual race.

Si Oranza ang naging sprints leader matapos ungusan sina Morales at Na­varro bukod pa sa pagiging King of the Mountain.

Isusuot ni Oranza ang LBC red jersey bilang lider, habang gagamitin ni Mo­rales ang Petron Blue jersey at white Mitsubishi polka dot jersey para kay Na­varro.

ASIAN CYCLING CHAMPIONSHIP

BUTUAN CITY

ELMER NAVARRO

JOHN MARK CAMINGAO

KING OF THE MOUNTAIN

MARK GALEDO

ORANZA

SHY

STAGE ONE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with