Ronda Pilipinas Luzon leg sisikad na
TARLAC CITY, Philippines – Magpapatuloy ang paghahanap ng mga bagong mukha at talento sa pagdaraos ng Ronda Pilipinas 2015 na inihahandog ng LBC ng two-stage Luzon qualifying leg na magsisimula ngayon.
Higit sa 100 siklista ang inaasa-hang lalahok sa final qualifying bago ang eight-stage, six-day championship round na nakatakda sa Feb. 22-27 mula sa Paseo Greenfield City sa Sta. Rosa, Laguna hanggang sa Baguio City.
Kabuuang 40 cyclists sa pangu-nguna ng nagkampeong si Boots Ryan Cayubit ng 7-Eleven ang nakaabante sa main event matapos malampasan ang three-stage Visayas qualifier mula sa Dumaguete patungong Sipalay hanggang sa Bacolod.
Halos kalahati ng mga riders ay hindi mga kilala.
“We saw a lot of new faces and young riders, which is a good sign since the real goal of Ronda Pilipinas is to give everybody a chance to compete and if they excel will have an opportunity to make it to the national team,” sabi ni Ronda executive director Moe Chulani.
Ang Stage One ay 138.9-kilometer race na hindi masyadong flat course dahil tunay na hahamunin ang mga siklista sa Monasterio.
Bibigat ang labanan sa second at third stage na 102.5-km lap. dahil mapapasabak ang mga riders sa Antipolo kinabukasan.
Sa Luzon phase, kabuuang 30 slots ang pag-aagawan.
Inaasahang mapapasama sa Luzon phase ang national team na binabanderahan nina 2012 Ronda champion Mark Galedo, Ronald Oranza, Rustom Lim at Jan Paul Morales, ang silver medallist sa Asian Cycling Cham-pionship sa Thailand noong nakaraang linggo, bukod pa sa Navy-Standard Insurance na pinamumunuan ni Ronda inaugural winner Santy Barnachea.
Makakasama ng mga qualifiers sina 2014 champion Reimon Lapaza ng Butuan City, Galedo at mga miyembro ng national team at ang composite European team para sa labanan sa premyong P1 milyon.
- Latest