^

PM Sports

Eaglets pinatikim ng talo ng Bullpups

Pang-masa

Laro SA MARTES

(The Arena, San Juan City)

2 p.m. – NU vs Ateneo

(Finals, Game 2)

 

MANILA, Philippines - Hindi puwedeng tawaran ang determinasyon ng National University Bullpups.

Ito ang kanilang ipinakita nang angkinin ang 76-72 panalo sa dating walang talong Ateneo Eaglets sa pagbubukas ng 77th UAAP juniors basketball Finals kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Si Mark Dyke ay mayroong impresibong 20 puntos, 17 rebounds at tatlong blocks ngunit nagpabigat sa panalo ng Bullpups ang solidong suporta ng ibang kakampi para dominahin ang Eaglets na naglista ng 14-0 marka sa elimination round.

Sina John Clemente at Philip Manalang ay gumawa pa ng 17 at 14 puntos at nagkapit bisig sila at ni Mark Ferreras sa huling yugto sa ibinigay na 17 puntos para maisantabi ang pagdikit ng Eaglets sa isa, 59-60, sa huling 5:56 ng laro.

May 17 rebounds at anim na blocks pa ang 6’6” center Justine Baltazar para bigyan ang NU ng 66-48 dominasyon sa rebounding at 12-5 angat sa blocks at balewalain ang 22 errors na ginawa.

Pinakamalaking kalamangan sa laro ng Bullpups ay sa 14 puntos,4 5-31 sa ikatlong yugto. (AT)

vuukle comment

ATENEO

ATENEO EAGLETS

JUSTINE BALTAZAR

MARK FERRERAS

NATIONAL UNIVERSITY BULLPUPS

PHILIP MANALANG

SAN JUAN CITY

SI MARK DYKE

SINA JOHN CLEMENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with