^

PM Sports

Tatapusin na lang ni Salud ang season

Pang-masa

MANILA, Philippines - Para bigyan ng sapat na panahon ang PBA Board of Governors na makahanap ng kapalit niya, maagang gagawin ni Chito Salud ang kanyang pagbibitiw bilang PBA Commissioner.

Nakatakdang ihayag ni Salud ang kanyang pagbaba sa puwesto sa double-header bukas ng 2015 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Tatapusin ni Salud ang kasalukuyang 40th PBA season bago ang opisyal na pagbibitiw sa posisyon.

Nauna nang sinabi ni Salud na apat na taon lamang ang panahon na kanyang ibibigay para pamahalaan ang professional league na pinagsilbihan din ng kanyang amang si Rudy Salud bilang Commissioner.

Si Salud, isang abogado na nagsilbing presidente ng National Home Mortgage Finance Corp. at ng Natural Resources Development Corp., ay ang pang-walong PBA Commissioner matapos sina Leo Prieto, Mariano Yenko, ang kanyang amang si Rudy Salud, Rey Marquez, Jun Bernardino, Noli Eala at Sonny Barrios.

Pinalitan ni Salud si Barrios noong 2010.

Sa ilalim ni Salud ay kuminang ang liga bilang top sports entertainment sa bansa kung saan bumasag ito ng record sa gates at TV ratings sa pakikipagtulungan sa TV5. (RC)

BOARD OF GOVERNORS

CHITO SALUD

JUN BERNARDINO

LEO PRIETO

MARIANO YENKO

NATIONAL HOME MORTGAGE FINANCE CORP

NATURAL RESOURCES DEVELOPMENT CORP

NOLI EALA

RUDY SALUD

SALUD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->