^

PM Sports

5 kabataan kikilalanin sa PSA Awards

Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang pares ng karters ang mangunguna sa limang pararangalan ng Philippine Sportswriters Association (PSA) sa pamamagitan ng Tony Siddayao Awards sa Annual Awards Night na inihahandog ng Milo at San Miguel Corp. sa Lunes sa 1Esplanade sa Pasay City.

Sasamahan nina riders Zachary David at Gabriel Tayao Cabrera sina golfer Mikhaela Fortuna, chesser Paulo Bersamina at swimmer Kyla Soguilon sa pinakabagong grupo ng mga batang atleta na bibigyan ng special award sa ngalan ng yumaong si da-ting Manila Standard sports editor Tony Siddayao, ikinukunsidera bilang Dean of Philippine sportswriting.

Ang award ay ibibigay ng pinakamatandang media organization sa bansa sa mga atletang may edad 17-anyos pababa na nagpakita ng kahusayan sa kani-kanilang mga sports.

 Sina David at Cabrera ang namayani sa kanilang mga dibisyon sa Asian Karting Open Series na idinaos sa Macau.

Naghari naman si Bersamina sa U-20 event ng 15th ASEAN Age Group Chess Championships para makamit ang kanyang International Masters title.

Nagwagi si Fortuna sa US Kids-Teen World Golf Championship 13-division sa US, habang nanalo si Soguilon sa dalawang international tournaments kasama ang 16th Royal Bangkok swimfest, kung saan siya kumolekta ng anim na gold medals.

Ang lima ay bahagi ng listahan ng honor roll na pinangungunahan ni PSA Athlete of the Year Daniel Caluag na kikilalanin dahil sa kanilang mga tagumpay noong 2014 sa formal event na itinataguyod ng mga principal sponsors na Meralco, Smart at MVP Sports Foundation kasama ang Philippine Sports Commission bilang major sponsor.

Si PSC chairman Richie Garcia ang tata-yong keynote speaker.

Ito ang unang pagkakataon na tatayo si Garcia bilang keynote speaker sa yearly affair matapos hirangin sa government sports agency noong 2010.

Bukod kay Caluag, ang iba pang bibigyan ng award sa event na suportado ng Globalport, El Jose Cate-ring, PCSO, Rain or Shine, PBA, Maynilad,  Accel, ICTSI, PAGCOR,  National University at Air21 ay ang National University (President’s award), ang MVP Sports Foundation Inc. (Sports Patron of the Year), ang 1973 Philippine men’s basketball team (Lifetime Achievement Award),   coach Tim Cone (Excellence in Basketball), ang Mitsubishi (Hall of Fame), sina Alyssa Valdez (Ms. Volleyball), Jean Pierre Sabido (Mr. Taekwondo) at sina Princess Superal at Tony Lascuna (Golfers of the Year).

Igagawad din ng PSA ang 15 major Awards at 25 citation sa mga atleta, teams at entities bukod pa sa Tony Siddayao Award at Milo Jr. Athletes of the Year.

AGE GROUP CHESS CHAMPIONSHIPS

ALYSSA VALDEZ

ANNUAL AWARDS NIGHT

ASIAN KARTING OPEN SERIES

ATHLETE OF THE YEAR DANIEL CALUAG

DEAN OF PHILIPPINE

EL JOSE CATE

GABRIEL TAYAO CABRERA

GOLFERS OF THE YEAR

NATIONAL UNIVERSITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with