Lillard pumalit kay Griffin sa NBA All-Stars
NEW YORK – Idinagdag si Portland Trail Blazers guard Damian Lillard sa All-Star team bilang kapalit ni Clippers forward Blake Griffin, sasailalim sa surgery para sa staph infection sa kanyang kanang siko.
Pinili ni NBA Commissioner Adam Silver si Lillard para maglaro sa West roster.
Nagposte si Lillard ng mga averages na career-high na 21.6 points, 4.6 rebounds, 6.3 assists at 1.49 steals ngayong season.
Ito ang ikalawang second All-Star ni Lillard, naglaro rin sa nakaraang season.
Makakasama niya sa All-Star game ang kakam-ping si LaMarcus Aldridge.
Si West coach Steve Kerr ng Golden State Warriors ang pipili sa papalit kay Griffin sa kanilang starting lineup.
Ang All-Star game ay nakatakda sa Linggo sa Madison Square Garden.
Wala pang katiyakan kung kailan makakalaro si Griffin dahil sa infection.
Sasailalim si Griffin sa surgery sa Lunes sa Los Angeles at oob-serbahan ang kanyang kondisyon matapos ang NBA All-Star break.
- Latest