NU Bullpups pasok sa finals
Laro sa Biyernes Finals (The Arena, San Juan City)
2 p.m. – NU vs Ateneo
MANILA, Philippines – Umapak ang National University Bullpups sa kanilang ikaapat na sunod na paglalaro sa Finals sa UAAP nang patalsikin ang La Salle Zobel Junior Archers, 61-45 sa ikalawang yugto sa 77th season step-ladder semifinals kahapon sa Blue Eagle gym sa Katipunan, Quezon City.
Si Justine Baltazar ay may double-double na 13 puntos at 11 rebounds, si John Clemente ay naghatid ng 14 puntos habang ang starting center na si Mark Dyke ay humablot ng 13 rebounds at may siyam na puntos para pa-ngunahan ang Bullpups.
May 20-9 bentahe sa inside points ang nagdedepensang kampeon para pagningningin ang 51 percent shooting sa 2-point field (24-out-of-47) at manatiling palaban sa ikalawang sunod na juniors title at pangatlo sa huling apat na taon.
Sa Biyernes sisimulan ang championship round sa The Arena sa San Juan City at kalaro ng Bullpups ang Ateneo Blue Eaglets na hindi natalo sa 14-laro sa elimination round para magkaroon ng thrice-to-beat advantage.
Sina Aljun Melecio at Joaquin Banzon ay naghatid ng 15 at 14 puntos pero kulang sa suporta na nakuha sa mga kasamahan upang magwakas na ang kampanya sa liga.
UP kampeon uli sa streetdance
Sa pagbabalik ng streetdance competition ay nasilayan uli ang galing ng UP Maroons nang sila ang lumabas bilang kampeon na pinaglabanan noong Linggo sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Gamit ang temang ‘luksong-tinik’, ang Maroons ay nakakuha ng 178 puntos para hiyain ang mga karibal na Ateneo Eagles at La Salle Archers na nalagay sa ikalawa at ikatlong puwesto sa 167.3 at 167 puntos.
UP kumapit sa liderato sa men’s football, Lady Tams pasok sa finals
Dalawang goals ang inangkin ni Jinggoy Valmayor para tulungan ang UP Maroons sa 4-1 tagumpay laban sa UST Tigresses sa UAAP football sa Moro Lorenzo Football pitch sa Ateneo Campus.
Sa first half, ginawa ni Valmayor ang dalawang goals para sa kanyang kabuuang 13 goals na naiskor sa liga.
Ang panalo ng UP ay nagbigay sa kanila ng nangungunang 24 puntos.
Binokya ng FEU Lady Tamaraws ang UP Lady Maroons, 2-0 para pumasok na sa one-game Finals habang palaban ang UST Tigresses sa huling upuan sa 1-0 panalo laban sa La Salle Lady Booters. (AT)
- Latest