Sapul kay Pagara ang kalabang Mexican
DAVAO CITY, Philippines – Si Jason Pagara ang nagbigay kulay sa laban ng mga Pinoy nang kanyang igupo si Cesar Chavez ng Me-xico sa loob ng dalawang rounds noong Sabado ng gabi sa USEP Gym dito.
Pinagkaguluhan ang Cebu-based boxer ng mga fans para magpakuha ng litrato nang bumaba ito sa ring na nakasukbit sa kanyang kanang balikat ang napanalunang championship belt.
Tinitingnan na niya ang mga susunod na laban.
“I’m ready,” sabi ni Pagara, isa sa malalakas na boxers ng ALA boxing stable ni Tony at Michael Aldeguer.
Sinabi ni Aldeguer na pupunta si Pagara na nakatakdang tumulak sa United States para kumampanya sa 140 lbs. class.
Sa mga main supporting bouts, nanalo sina junior bantamweight Arthur Villanueva at junior featherweight Genesis Servania.
Tinalo ni Villanueva sa puntos si Julio Cesar Miranda habang iginupo ni Servania si Juan Luis Hernandez sa laban na nadismaya ang crowd.
Pinabagsak naman ni featherweight Mark Magsayo ang Thailander na si Sukkasem Kietyongyuth sa 2:15 mark ng fifth round.
Isang kanan sa gilid ng ulo ang tumama sa Thailander at bumagsak ito kung saan muntik pa siyang mahulog ng ring.
Ipinapaubaya naman ni Pagara sa kanyang promo-ters ang kanyang career.
“It’s up to them,” aniya sa kanyang victory dinner na tumagal ng hanggang hating-gabi.
Sinabi ni Aldeguer na pupunta sa Amerika si Pagara, nagtala ng knockout ng 12 sa kanyang 24 biktima para lumaban sa 140 lbs. class.
- Latest