^

PM Sports

Ronda Pilipinas officials makukumpleto ngayon

Pang-masa

DUMAGUETE CITY, Philippines – Darating ngayon dito ang mga foreign officials sa pangunguna ni Dutch Martin Bruin para sa Ronda Pilipinas 2015, inihahandog ng LBC na magpapakawala sa  three-stage qualifying leg sa Miyerkules.

Makakasama ni Bruin, ang Ronda chief president commissaire na nangangasiwa sa pinakamalaki at pinakamayamang cycling race sa Asia sa nakaraang apat na taon, sina commissaire 2 Micky Rob, technical director Jamal Mahmoud ng Malaysia at kapwa race officials Eduard Park ng Korea at Ji Ji Qui ng China.

Dumating na kahapon ang mga local officials na sina Ronda executive director Moe Chulani, race director Ric Rodriguez at administration director Jack Yabut.

“We will be all accounted for as soon as our foreign officials arrive tomorrow (ngayon),” wika ni Chulani.

Narito na rin ang 150 Ronda staff at ang halos 50 sasakyan kasama ang mga trucks, 42 motorcycles at dalawang police mobile units na isinakay ng ferry mula sa  Manila noong Biyernes.

“The only ones unaccounted for are the participants, who we expect will come tomorrow or the day before the race,” sabi ni Rodriguez.

Bubuksan ang Ronda sa pamamagitan ng three-stage Visayas Qualifying Leg sa Feb. 11-13 sa Negros island na lalahukan ng halos 100 riders kung saan manggagaling ang 54 riders  (50 elite at apat na juniors) na makakalahok sa Championship round sa Feb. 22-27 mula Greenfield City sa Sta. Rosa, Laguna hanggang sa Baguio. Magtutungo naman ang Ronda sa Norte para sa two-stage Luzon qualifiers sa Feb. 16 at 17 sa Tarlac at Antipolo City kung saan may nakatayang 34 berths (30 elite, four juniors). Ang 88 Visayas at Luzon qualifiers ang makakasama ni 2014 winner Reimon Lapaza ng Butuan, ang nine-man national team na pinamumunuan ni Mark Galedo at ang composite European team sa national leg. Ang Ronda ay suportado ng Manny V. Pangilinan Sports Foundation at iba pa.

ANG RONDA

ANTIPOLO CITY

DUTCH MARTIN BRUIN

EDUARD PARK

FEB

GREENFIELD CITY

JACK YABUT

JAMAL MAHMOUD

JI JI QUI

RONDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with