Mavs sinilat ang Blazers
DALLAS – Binigyan ni Dirk Nowitzki ang Dallas ng pagkakataong manalo laban sa isang Western Conference playoff contender team nang kanyang tapusin ang late rally ng Mave-ricks sa pamamagitan ng 3-pointer na nagpuwersa ng overtime.
Pagkatapos nito ay si Chandler Parsons naman ang nagtrabaho.
Ang 25-puntos ni Nowitzki kabilang ang palobong 3-pointer ang tuluyang bumura sa 11-point deficit sa huling 2 minuto ng laba-nan at umiskor si Parsons ng 10 sa kanyang 20–puntos sa extra period nang igupo ng Mave-ricks ang Portland Trail Blazers, 111-101 nitong Sabado ng gabi sa NBA.
Nakaiwas ang Mave-ricks sa ika-12th pagkakatalo sa loob ng 14 games laban sa koponang kasalukuyang palaban sa West playoffs matapos sumulong sa 35-18 na nakalapit sa Portland na may 34-17 record para sa fourth place.
“This was huge because we had not beat a very good team that’s been at full strength all year long,’’ sabi ni Parsons na parang nakalimutan ang panalo laban sa Southwest Division-leading Memphis dahil na-tambakan ang Mavericks sa kanilang sariling balwarte ng Grizzlies makalipas ang isang linggo. “So to be the team that we want to be, we need to have wins like this.’’
Tinapos naman ni Damian Lillard ang kanyang kamalasan sa pagtatala ng 26 points habang si LaMarcus Aldridge naman ay may 25 ngunit na-outscore ang Blazers, 22-2 sa fourth quarter at overtime para sa kanilang ikapitong sunod na talo sa road game.
Sa New York, nagtala naman si Draymond Green ng 20 points at mayroon siyang 13 rebounds nang igupo ng Golden State Warriors ang New York Knicks, 106-92 para ipatikim kay Steve Kerr ang panalo sa kanyang unang game coaching sa arena na malapit na sa kanyang puso.
- Latest