Paul umiwas sa gender issue
NEW YORK -- Nilinaw ni Chris Paul ng Los Angeles Clippers na ang kanyang problema kay Lauren Holtkamp ay dahil sa officiating ng lady referee.
Sinabi ni Paul na ito ay hindi tungkol sa kasarian ni Holtkamp.
Umani ng kritisismo mula sa referees union ang pagreklamo ni Paul sa rookie official bukod pa sa pagsuporta sa huli ng female executive director ng NBA Players Association.
“Any suggestion that Chris Paul would ever conduct himself in a disrespectful manner towards women is utterly ridiculous, outrageous and patently false,” ani Michele Roberts kay Paul.
Tinuligsa ng Clippers guard si Holtkamp sa kanilang 94-105 kabiguan sa Cleveland sa pagsasabing hindi pa handa sa NBA ang lady referee.
- Latest