Hapee nakauna, Cebuana nakasilat
Laro SA LUNES
(The Arena, San Juan City)
2 p.m. – Cebuana Lhuillier
vs Cagayan
4 p.m. – Café France
vs Hapee
MANILA, Philippines - Pinangatawanan ng Hapee Fresh Fighters ang pagkakaroon ng mas mataas na ranking habang nakasilat ang fourth seed na Cebuana Lhuillier Gems sa pagbubukas kahapon ng PBA D-League Aspirants’ Cup semifinals sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
May 20 puntos si Garvo Lanete habang nilimitahan ng depensa ng Hapee sa nakakadismayang 26% shooting ang Café France Bakers tungo sa 74-58 panalo para hawakan ang 1-0 kalamangan sa maigsing best-of-three series.
Tinapos ng Gems ang 11-game winning streak ng Rising Suns sa pamamagitan ng 89-85 panalo sa ikalawang laro.
Kailangan na lamang ng Hapee at Cebuana Lhuillier na manalo uli sa Lunes para umabante na sa Finals na isa ring best-of-three series.
Ang 58 puntos ng Bakers ay mas mababa sa 59.55 puntos na ibinigay ng Fresh Fighters sa elimi-nation round upang maisantabi ang pagkakaroon lamang ng isang manla-laro na nasa double-digits sa labanan.
“I thought we played good defense today. But Café France is a disciplined team and are capable of bouncing back,” wika ni Hapee coach Ronnie Magsanoc.
Tumapos ang Hapee taglay ang 43% shooting sa 22-of-51 habang ang Bakers na nasa semifinals sa unang pagkakataon ay nagsalpak lamang ng 18 sa 68 na binitiwan, kasama ang 5-of-34 sa 3-point area.
Nagawa pang buma-ngon ang Rising Suns at ang tres ng bagong pasok na si John Tayongtong sa huling 18 segundo ang tumapos sa 19-7 palitan para dumikit sa tatlo 88-85, may 18 segundo sa orasan. (AT)
- Latest