^

PM Sports

Pacquiao magsasalita sa National Prayer

Pang-masa

MANILA, Philippines - Inaasahang ma­ka­ka­sa­lamuhang muli ni Fili­pi­no bo­xing champion Manny Pacquiao si US President Barack Obama ngayon sa National Prayer Breakfast sa Washington Hilton.

Ang 100 bansa, kabilang na ang Pilipinas, ay may kinatawan sa Natio­nal Prayer Breakfast.

“It’s people from all over, from all countries co­ming to Washington DC, and the President of the United States, the First Lady, the Vice President and his wife will be pre­sent,” sabi ni Jonathan Frank ng National Prayer Breakfast.

Inimbitahan ng U.S. Congress, ang punung-abala sa Prayer Breakfast, si Pacquiao na kinatawan ng Sarangani sa Philippine Congress.

Dadalo rin sa pagtitipon si Dalai Lama.

Bibigyan si Pacquiao ng 20 minuto para magsa­lita.

Ayon sa Filipino world eight-division champion na si Pacquiao, pagtutu­unan niya ng pansin sa kan­yang mensahe ang ka­ha­lagahan ng pagkakaisa at kapayapaan sa buong mundo.

Kasama ni Pacquiao ang asawang si Jinkee.

Nauna nang nakasalo nina Pacquiao at Jinkee si Prince Harry sa isang hapunan sa London.

Matapos ito ay tuma­yong judge si ‘Pacman’ sa 2015 Miss Universe sa Miami.

Personal ding nagkausap sina Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr. sa Miami para sa kanilang laban na itinatakda sa Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada. (RC)

DALAI LAMA

FIRST LADY

FLOYD MAYWEATHER

JINKEE

JONATHAN FRANK

LAS VEGAS

NATIONAL PRAYER BREAKFAST

PACQUIAO

PRAYER BREAKFAST

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with