^

PM Sports

Kia pinabagsak ang bigating San Miguel

Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi makapaniwala si assistant coach Chito Vic­tolero na makakayang ta­lunin ng Kia ang biga­ting San Miguel.

Lalo pa at nanggaling ang Beermen ni mentor Leo Austria sa paghahari sa nakaraang PBA Philippine Cup.

“Medyo off lang ‘yung San Miguel ngayon. One week pa lang silang nag-eensayo, tapos ‘yung import (Ronald Roberts) nila ka­rarating lang,” sabi ni Vic­tolero sa Beermen.

Pinabagsak ng Kia ang San Miguel, 88-78, sa kabila ng pagkawala ni 7-foot-4 import PJ Ramos sa 4:37 minuto ng laro dahil sa ikaanim na foul sa 2015 PBA Com­missioner’s Cup ka­gabi sa Smart Araneta Co­liseum.

Ito ang unang panalo ng Carnival ni playing coach Manny Pacquiao, ka­­salukuyang nasa US, ma­­tapos ang 0-2 panimula sa komperensya.

Umiskor si Ramos ng 22 points at nagdagdag sina point guard LA Re­villa, Mark Yee at JR Cawaling ng 12, 11 at 10 markers, ayon sa pagka­ka­sunod.

Matapos kunin ang 21-17 bentahe sa first period ay pinalobo ng Kia ang kanilang kalamangan sa 65-47 sa third quarter.

Nakamit ni Ramos ang kanyang ikaanim at hu­ling foul sa 4:37 minuto ng final canto kung sa­an humahabol ang San Mi­guel sa 69-75 agwat.

Mula sa 70-75 pag­dikit ng Beermen ay lu­ma­yo ang Kia sa 81-70.

 

KIA 88 - Ramos 22, Re­villa 12, Yee 11, Cawa­ling 10, Avenido 9, Pascual 8, Dehesa 5, Burtscher 4, Buensuceso 4, Poligrates 3, Webb 0, Padilla 0, Alvarez 0, Ighalo 0.

San Miguel 78 - Fajardo 18, Roberts 18, Santos 14, Lutz 8, Tubid 7, Ross 5, Lassiter 4, Cabagnot 2, Pascual 2, Maierhofer 0, Kramer 0, Omolon 0, Fortuna 0, Se­me­rad 0.

Quarterscores: 21-17; 46-35; 67-53; 88-78.

BEERMEN

CHITO VIC

KIA

LEO AUSTRIA

MARK YEE

RAMOS

SAN MIGUEL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with