Lee nagbida sa panalo ng Painters
MANILA, Philippines - Naglaro na tila isang import si guard Paul Lee para tulungan ang Elasto Painters na makamit ang kanilang unang panalo sa 2015 PBA Commissioner’s Cup.
Kumamada si Lee ng team-high na 25 points, habang nagdagdag si import Rick Jackson ng 17 markers para ihatid ang Rain or Shine sa 96-91 paggiba sa NLEX kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Inamin ni Elasto Painters’ head coach Yeng Guiao na nahirapan sila kina NBA veteran Al Thornton at 6-foot-10 Asi Taulava, tumapos na may 28 at 17 points, ayon sa pagkakasunod, para sa Road Warriors.
“We struggled a little bit in the second half because they’re still bigger than we are. Even our import (Jackson) was having a hard time with Asi (Taulava),” ani Guiao. “Asi and Thornton giving us problems, the little guys got open with their three-point shots.”
Ibinigay ni Lee sa Rain or Shine ang 10-point lead, 60-50, sa ilalim ng limang minuto sa third period.
Ang putback ni Taulava ang naglagay sa NLEX sa unahan, 84-83, sa huling tatlong minuto ng fourth quarter.
Kumamada ng jumper si Lee kasunod ang three-point shot ni Jonathan Uyloan at spin move ni Gabe Norwood para muling ilayo ang Elasto Painters sa Road Warriors sa 90-84 sa huling 1:37 minuto ng labanan.
RAIN OR SHINE 96 - Lee 25, Jackson 17, Almazan 10, Uyloan 9, Norwood 8, Chan 8, Araña 6, Ibañes 5, Cruz 4, Tang 2, Belga 2, Tiu 0, Quiñahan 0.
NLEX 91 - Thornton 28, Lingganay 19, Taulava 17, Cardona 7, Borboran 6, Ramos 6, Villanueva J. 4, Canaleta 2, Villanueva E. 2, Hermida 0, Camson 0, Apinan 0, Arboleda 0, Baloria 0, Soyud 0.
Quarterscores: 25-18; 43-34; 73-65; 96-91.
- Latest