^

PM Sports

Caluag kinilalang PSA Athlete of the Year

Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa paghahanap ng ban­sa ng atletang mag­sa­salba sa kampanya sa 17th Asian Games down sa Incheon, South Korea ay nagbida si BMX rider Daniel Caluag para sa nag-iisang gintong me­dal­­ya ng delegasyon.

Bagama’t hindi na­ka­­lahok sa mga event na may basbas ng UCI (Union Cycliste Interna­tional) noong nakaraang taon, napanatili ni Ca­luag ang kanyang porma at kondisyon para ibigay sa Pilipinas ang gold me­dal sa men’s BMX race sa Ganghwa Asia BMX Track noong na­ka­raang Oktubre.

“The entire PSA or­ga­nization congratulates Daniel Caluag as the recipient of the 2014 Athlete of the Year honor following the exempla­ry feat he did during the 17th Asian Games in In­cheon, South Korea,” sa­bi ni PSA president Jun Lomibao ng Business Mirror.

Ang gold medal ng 27-anyos na registered nurse ang siyang ta­nging nakolekta ng gintong medalya sa 160-man delegation mula sa quadrennial meet matapos noong 1998 edition sa Bangkok, Thailand.

Ito ang unang cycling gold medal ng ban­­sa sa kasaysayan ng pag­­lahok sa Asiad.

Ang tagumpay ng Fi­­lipino rider ang nagsal­ba sa kampanya ng bansa kaya siya hinirang na Athlete of the Year ng Philippine Sportswriters Association.

Babanderahan ng Fi­lipino-American BMX racer na si Caluag ang ha­los 70 prominenteng sports personalities at en­­tities na pararangalan sa PSA Annual Awards Night na inihahandog ng MILO at San Miguel Corp. sa Feb. 16 sa 1Esplanade Mall ng Asia Complex.

Ibibigay din ng pi­na­kamatandang media organization sa bansa ang mga major awards at c­i­tations sa formal rite na suportado ng Smart, Me­ralco at ng MVP Sports Foundation bilang principal sponsors at ng Philippine Sports Commission (PSC) bilang major sponsor.

Ipapamahagi din sa event na itinataguyod ng ICTSI, Philippine Bas­ketball Association (PBA), Philippine Cha­­rity Sweepstakes Office (PCSO), Philippine Amusement and Ga­ming Corp (PAGCOR), Rain or Shine, Glo­balport, Air21, May­nilad, Accel at ng Na­tional Uni­versity ang President’s Award, Exe­cutive of the Year, Sports Pat­ron of the Year, Na­tional Sports Asso­cia­tion of the Year, ang To­ny Siddayao Awards pa­ra sa mga out­standing athletes na may edad 17-anyos pa­baba, Pos­thu­mous at ang MILO Outstanding Athletes (boys at girls).

Isinama sa honor roll list ngayong taon ang 1973 Philippine men’s basketball team (Life­time Achievement Award) at sina Tim Cone (Excellence in Basketball), Hall of Fame (Mitsubishi), Aly­ssa Valdez (Ms. Volleyball), Jean Pierre Sabido (Mr. Taekwondo) at si­na Princess Superal at To­ny Lascuna (Golfers of the Year).

ACHIEVEMENT AWARD

ANNUAL AWARDS NIGHT

ASIA COMPLEX

ASIAN GAMES

ATHLETE OF THE YEAR

BUSINESS MIRROR

DANIEL CALUAG

SHY

SOUTH KOREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with