^

PM Sports

Purefoods makikisosyo sa liderato; Reyes, Peña at Chua maglilipatan

Pang-masa

MANILA, Philippines – Bubuksan ng Alaska, ang runner-up sa PBA Phi­lippine Cup, at NLEX ang kani-ka­nilang kampanya laban sa dalawang bi­gating ko­po­nan.

Lalabanan ng Aces ang Pure­foods Hotshots nga­yong alas-7 ng gabi at makakatapat naman ng Road Warriors ang Rain or Shine Elasto Painters sa alas-4:15 ng hapon sa 2015 PBA Commissio­ner’s Cup sa Smart Arane­ta Coliseum.

Nagmula ang Alaska sa pagkatalo sa nagkampeong San Miguel sa na­ka­lipas na PBA Philippine Cup.

“We expect Alaska to come out firing on all cy­lin­ders and we’re bracing for a tough, tough game,” wika ni Hotshots’ coach Tim Cone sa Aces.

Habang hinihintay ng Hotshots ang pagdating ni 6-foot-9 import Da­niel Orton ay si 6’4 import Marqus Blakely ang ka­nila munang isasalang.

Humakot si Blakely, naghatid sa Purefoods sa titulo ng nakaraang PBA Governors’ Cup, ng 26 points at 7 shotblocks sa kanilang 83-70 panalo sa Globalport.

Itatapat naman ng Alas­­ka si 6’9 reinforcement DJ Covington.

Sa unang laro ay ita­tampok ng NLEX si NBA vete­ran Al Thornton laban kay Rain or Shine import Rick Jackson.

Nanggaling ang Elasto Painters ni mentor Yeng Guiao mula sa 86-89 ka­biguan sa Talk ‘N Text Tro­pang Texters.

Samantala, pinaplan­tsa naman ng San Miguel, Barangay Ginebra at Ba­rako Bull ang isang three-player trade.

Dadalhin ng Beermen si Justin Chua sa Energy, habang ibibigay ng Gin Kings si Jay-R Reyes sa Beer­men at lilipat si Do­­rian Peña sa Ginebra.

AL THORNTON

BARANGAY GINEBRA

ELASTO PAINTERS

GIN KINGS

JAY-R REYES

JUSTIN CHUA

MARQUS BLAKELY

SAN MIGUEL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with